Web - Amazon

We provide Linux to the World


We support WINRAR [What is this] - [Download .exe file(s) for Windows]

CLASSICISTRANIERI HOME PAGE - YOUTUBE CHANNEL
SITEMAP
Audiobooks by Valerio Di Stefano: Single Download - Complete Download [TAR] [WIM] [ZIP] [RAR] - Alphabetical Download  [TAR] [WIM] [ZIP] [RAR] - Download Instructions

Make a donation: IBAN: IT36M0708677020000000008016 - BIC/SWIFT:  ICRAITRRU60 - VALERIO DI STEFANO or
Privacy Policy Cookie Policy Terms and Conditions
Hunyo 2005 - Wikipedia

Hunyo 2005

Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.

MayHunyoHul
LU MA MI HU BI SA LI
30 31 1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 1 2 3
2005
Kalendaryo

[baguhin] Hunyo 4, 2005

  • Hinatulan ng isang korteng French ang nangungunang dyaryo sa France na Le Monde ng “difamasyong rasyal” laban sa Israel at sa mga Hudiyo.[1] Partikular na ifinokus ng korte ang kaso sa artikulong « Israël-Palestine : Le cancer » (“Israel-Palestina: Ang Kanser”). Inakusahan naman samantala ng HonestReporting ang medyang pammasa sa kanilang pagkatahimik tungkol sa hatol.[2]

[baguhin] Hunyo 12, 2005

  • Pinalaya na ang mamamahayag na Pranses na si Florence Aubenas at ang kanyang Iraqi interpreter na si Hussein Hanoun al-Saadi pagkaraan ng limang buwang pagkakabihag sa Iraq. (BBC)
  • Conflict in Iraq:
    • 28 bangkay, pinaniniwalaang mga Sunni Arab, ay nataguan sa mga eskinita ng Baghdad. (BBC) (A.P)
    • Apat na sundalong Amerikano ang namatay sa mga roadside bomb sa Baghdad. Ang total na death toll ng tropang Amerikano ay higit sa 1,700. (Associated Press)
  • Isang serye ng pagbobomba ang naganap sa mga lungsod ng Ahwaz at Tehran ng Iran. Walong tao ang namatay at marami ang nasugatan. Wala pang nag-ako ng responsibilidad. (BBC)
  • Ipinahayag ni Mike Tyson na magreretiro na siya sa boxing. Wikinews
  • Halalan sa Lebanon: Ipinapakita ng panimulang resulta ng halalang parliyamentaryo ang pagtaas ng suporta para sa mga partidong maka-Syria. Tinanghap na ng lider ng Druze na si Walid Jumblatt ang pagkatalo. (Daily Star) (ABC) (IHT) Si Michel Aoun, dating exiled general, ay maaring nanalo sa botong Maronite Christian. (Daily Star) (Reuters) (Al-Jazeera) Sa susunod na weekend ang huling yugto ng halalan.
  • Hinirang ng Kuwait ang unang babaeng cabinet minister na si Massuma al-Mubarak. (Al-Jazeera) (Arab News) (IHT)
  • Sa Pilipinas, hining ni pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang pagkakaisa sa harap ng alegasyon ng pandaraya sa halalan (electoral fraud) na hindi pa napapatunayan. Nakaalisto ang hukbo upang hadlangan ang mga magbabalak ng coup d'état. Nagtatag ng maiksing protesta ang oposisyon upang hingiin ang pagbitiw ni Arroyo. (Sun Star, Philippines) (ABS-CBN)
  • Hinirang ng Kurdish parliament sa hilagang Iraq si Masoud Barzani bilang pangulo ng rehiyon. (Reuters)
  • Sa Tsina, tumaas sa 92 ang opisyal na death toll sa pagbaha sa lalawigan ng Heilongjiang. (Xinhua) (People's Daily)
  • Nanawagan ng oposisyon sa Ethiopia ng katahimikan pagkaraan ng mga protesta ng nakaraang linggo. (Reuters AlertNet)
  • Inangat na ng Nepal ang pagbabawal sa mga istayong pantelebisyon ng India. (Deepika) (BBC)

[baguhin] Hunyo 13, 2005

  • Binigyan ng not guilty verdict ng hurado si Michael Jackson sa mga kasong isinampa sa kanya. (CNN) (BBC)
  • 92 katao, halos lahat kabataan, ay namatay nang ang isang flash flood ay tumama sa isang paaralan sa Shalan, lalawigan ng Heilongjiang, Tsina. (BBC)
  • Natapos na ang botohan sa Italya para sa dalawang araw na referendum tungkol sa mahigpit na batas sa fertility treatment. Pinayuhan ng Simbahang Katoliko ang mga kasapi nito na i-boycott ang botohan, na nangangailang ng 50% turnout upang maging valid. Ang paunang turnout ay naging mababa at tinatayang hindi aabot sa 50% na lebel. (Reuters AlertNet) (Reuters) (BBC) (IHT)
  • Sa Pilipinas, ipinahayag ni Ignacio Bunye, ang press secretary ni pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, na handang harapin ng pangulo ang angkop na impeachment charges kung susundin ng oposisyon ang angkop na prosesong legal. Maraming pulitiko ang naghayag ng pagsuporta sa pangulo. (ABS-CBN) (Manila Bulletin)
  • Handa na ang pulisya ng Pilipinas na ihabla si dating NBI deputy director Samuel Ong para sa iligal na wiretapping at sedisyon. (Sun Star)
  • Umalis na ang huling peacekeeping troops ng Australia sa East Timor. (SBS) (ABC) (Reuters)
  • Sa South Korea, nagbabalak si Kim Woo Choong, dating head ng Daewoo Group, na bumalik sa bansa pagkatapos ng limang taong paninirahan sa ibayong-dagat. Hinaharap niya ang sakdal na pandaraya o fraud pagkaraan ng pagbagsak ng Daewoo Group. (Korea Times) (Korea Herald) (Channel News Asia) (BBC)

[baguhin] Hunyo 14, 2005

  • Inaresto ang isang lalaki ng pulis Israeli dahil sa pagwawagayway ng Palestinong watawat. (Haaretz)
  • Ohio Second Congressional District Election, 2005: Isang special primary election ang nagaganap sa Southern Ohio upang maghirang ng mga kandidato para sa special general election na gaganapin sa Agosto 2. Kinakailangan ang eleksyon upang palitan si Rob Postman, na nagbitiw noong Abril 29 upang maging U.S. Trade Representative. (The Cincinnati Post)
  • Conflict in Iraq: 22 tao ang namatay paraan ng suicide bombing sa Kirkuk, Northern Iraq. (BBC)
  • Soccer Sex Crimes
    • Inaresto at nakapiyansa si George Best, dating Manchester United start mula sa Northern Ireland, sa hinala na indecent assault sa isang batang babae. (BBC)
    • Si Robin van Persie, isang Dutch Arsenal Footballer, ay inaresto sa Holland sa hinalang panggagahasa. (BBC)
  • Hindi tinanggap ng Sudan ang desisyon ng UN na gamitin ang International Criminal Court upang litisin ang mga kriminal kaugnay sa mga kalupitan ng Darfur conflict at sa halip nagbukas ito ng kanilang kagagawang special court. (Al-Jazeera) (ReliefWeb) (ISN)

[baguhin] Hunyo 24, 2005

Pambansa

  • Isang malaking kilos protesta ang inaasahang magaganap ngayong Biyernes upang bumaba si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. (inq7.net)
  • Naghain ng kaso ang National Bureau of Investigation ng kasong inciting to sedition laban kay Fortunato Abat, isang retiradong Major-General, sa Kagawaran ng Hustisya para sa pagtawag ng pagpapabagsak ng administrasyon ni Gloria Macapagal-Arroyo. (inq7.net)
  • Ang burol at pagbigay ng state honors sa namayapang Jaime Cardinal Sin ay gaganapin sa Hunyo 28. Namatay si Cardinal Sin dahil sa multiple organ failure noong Martes ng umaga sa edad na 76. (Manila Bulletin)
  • Itinanggi ni Noli de Castro na may naganap na malawakang pandaraya noong eleksyon ng 2004. Reaksyon ito sa mga bagong alegasyon mula sa oposisyon laban kay Gloria Macapagal-Arroyo. (ABS-CBN)
  • Pagkatapos ng halos walong buwan sa piling ng mga dumakip na mga Iraqis, nakauwi na si Robert Tarongoy. Pinasalamatan niya si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at hiniling sa media na bigyan siya ng panahon para sa kanyang pamilya. (ABS-CBN)
  • Inakusahan ni Arsobispo Oscar Cruz ng Lingayen-Dagupan na tumanggap si Gloria Macapagal-Arroyo ng suporta mula sa mga ilegal na operator ng sugal para sa kanyang kampanya noong nakaraang eleksyon. Ito ang unang pagkakataon na isinabit ng tuwiran ang pangalan ni Gloria Macapagal-Arroyo sa ganitong bayaran. Ang ilang kamag-anak ni Pangulong Arroyo ay nadadawit sa isyu ng jueteng. (ABS-CBN)

Pandaigdig

  • Nanalo ang San Antonio Spurs contra Detroit Pistons sa NBA. 81-74 ang iskor. (inq7.net)
  • Pinipilit ng administrasyong George W. Bush and North Korea na daliang asikasuhin ang petsa para sa pagpapatuloy ng six-party nuclear talks. (ABS-CBN)
  • Ang dating Ku Klux Klansman na si Edgar Ray Killen ay hinatulan ng 60 taong pagkabilanggo para sa pagpatay sa 3 civil rights workers noong 1964. Mula sa krimen na ito, lalong umigting ang civil rights movement at naging inspirasyon sa pelikulang "Mississippi Burning." (ABS-CBN)

[baguhin] Hunyo 27, 2005

Pambansa

  • Hindi pumunta si Atty. Samuel Ong, sa preliminary investigation ng Kagawaran ng Hustisya sa kasong inciting to sedition laban sa kanya. Nakilala si Samuel Ong sa pagsiwalat na sa kanya nagmula ang

isang tape na naglalaman kuno ng pag-uusap nina Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at Virgilio "Garci" Garcellano. (inq7.net)

  • Bubuo ng isang "truth commission" ang mga civil society groups na tumulong na mapaupo si Gloria Macapagal-Arroyo bilang pangulo noong 2001. Ito ang magsisiyasat samga wiretapped tapes na nag-uugnay kay Pangulong Arroyo sa pandaraya noong halalang 2004. (inq7.net)

Pandaigdig

[baguhin] Hunyo 28, 2005

Pambansa

Pandaigdig

  • Namatay ang bilyonaryong tagapagmana ng Wal-Mart nang bumagsak ang sinasakyan niyang eroplano. Si John Walton ang pang-11 sa listahan ng Forbes ng pinakamayaman na tao sa mundo. (inq7.net)


Our "Network":

Project Gutenberg
https://gutenberg.classicistranieri.com

Encyclopaedia Britannica 1911
https://encyclopaediabritannica.classicistranieri.com

Librivox Audiobooks
https://librivox.classicistranieri.com

Linux Distributions
https://old.classicistranieri.com

Magnatune (MP3 Music)
https://magnatune.classicistranieri.com

Static Wikipedia (June 2008)
https://wikipedia.classicistranieri.com

Static Wikipedia (March 2008)
https://wikipedia2007.classicistranieri.com/mar2008/

Static Wikipedia (2007)
https://wikipedia2007.classicistranieri.com

Static Wikipedia (2006)
https://wikipedia2006.classicistranieri.com

Liber Liber
https://liberliber.classicistranieri.com

ZIM Files for Kiwix
https://zim.classicistranieri.com


Other Websites:

Bach - Goldberg Variations
https://www.goldbergvariations.org

Lazarillo de Tormes
https://www.lazarillodetormes.org

Madame Bovary
https://www.madamebovary.org

Il Fu Mattia Pascal
https://www.mattiapascal.it

The Voice in the Desert
https://www.thevoiceinthedesert.org

Confessione d'un amore fascista
https://www.amorefascista.it

Malinverno
https://www.malinverno.org

Debito formativo
https://www.debitoformativo.it

Adina Spire
https://www.adinaspire.com