Nobyembre 2005
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Okt – Nobyembre – Dis | ||||||
LU | MA | MI | HU | BI | SA | LI |
31 | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 |
7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 |
14 | 15 | 16 | 17 | 18 | 19 | 20 |
21 | 22 | 23 | 24 | 25 | 26 | 27 |
28 | 29 | 30 | 1 | 2 | 3 | 4 |
2005 Kalendaryo |
[baguhin] Nobyembre 1, 2005 (Martes)
- Ipinahayag ang pagtuklas sa dalawang karagdagang buwan ng Pluto. (CNN)
- Magkakaroon ng iisang koponan ang Hilagang Korea at Timog Korea sa susunod na Mga Larong Olympic. (BBC)
[baguhin] Nobyembre 2, 2005 (Miyerkules)
- Tumaas ang piso ng Pilipinas laban sa dolyar pagkatapos ng implementasyon ng eVAT. (inq7money)
[baguhin] Nobyembre 3, 2005 (Huwebes)
- Limang Marines ng Estados Unidos ang naaresto pagkatapos akusahan ng paggahasa sa isang Filipina.(BBC) (Xinhua)
[baguhin] Nobyembre 4, 2005 (Biyernes)
- Nagsimulang itatak ng mga taga-Israel ang ikasampung anibersaryo ng pagpapaslang kay Punong Minstro Yitzhak Rabin. (BBC)
[baguhin] Nobyembre 5, 2005 (Sabado)
- Natuklasan ng mga arkeologo sa Israel ang bihirang sinaunang simbahan Kristiyano na tinatayang natayo noong AD 300. Natagpuan ang simbahan sa Megiddo malapit sa isang piitan. (Reuters) (Ynetnews)
[baguhin] Nobyembre 6, 2005 (Linggo)
- Bumoto ang mga mamamayan ng Azerbaijan para sa parliamentaryong halalan ng Azerbaijan ng 2005. Inakasuhan ng mga partidong oposisyon ang isang dayaan sa halalan. (Reuters)
[baguhin] Nobyembre 7, 2005 (Lunes)
- Patuloy pa rin kumakalat sa mga lungsod sa Pransya ang mga kaguluhan sa ika-11 gabi.(Guardian) (BBC) (Le Figaro) (sa wikang Pranses)
- Sinabi ng Pangulong Arroyo sa mga pangkat ng mga negosyanteng banyaga na ang kapitalismo at malayang merkado ang makakalutas sa kahirapan. (inq7.net)
[baguhin] Nobyembre 8, 2005 (Martes)
- Sang-ayon sa isang Europeong bangko, patuloy na tataas ang piso ng Pilipinas laban sa dolyar dahil sa implementasyon ng e-VAT. (inq7.net)
- Sa kabila ng usapin sa pagpapalit ng sistema ng pamahalaan sa Pilipinas, sinabi ng dating Pangulong Joseph Estrada na dapat pag-ingatan ng Kongreso ang anumang pagbabago sa Saligang Batas ng Pilipinas. (Manila Bulletin)
- Ilalagay sa kustodiya ng Pilipinas ang anim na Marino ng Estados Unidos na naakusahang ng paggahasa sa isang Filipina kung hihilingin ng pamahalaan ng Pilipinas ang kustodiya. (Philstar)
[baguhin] Nobyembre 9, 2005 (Miyerkules)
- Sa Estados Unidos, nagdulot ng kontrobersiya ang pagdalaw ng Inatasang Punong Ministro ng Iraq na si Ahmed Chalabi sa Kagawaran ng Estado at Kagawaran ng Kaban-Yaman. (BBC)
[baguhin] Nobyembre 10, 2005 (Huwebes)
- Nanalo si Ellen Johnson-Sirleaf sa halalan sa Liberia at tinalo si George Weah. Siya ang kauna-unahang naging babaeng pangulo sa kontinente ng Africa. (CNN) (Indystar)
[baguhin] Nobyembre 11, 2005 (Huwebes)
- Naging kasapi ng World Trade Organization ang Saudi Arabia pagkatapos ng labing-dalawang taong pag-uusap. (BBC)
[baguhin] Nobyembre 27, 2005 (Linggo)
- Pormal na nagbukas ang ika-23 Southeast Asian Games sa Pilipinas. (inq7.net)