Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
|
- Lumihis ang landas ng Bagyong Neneng (pangalang internasyunal: Bebinca) patungong Hilaga at Gitnang Luzon, Pilipinas. Itinaas ng PAGASA ang Babala Bilang 1 sa mga lalawigan ng Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Quezon (kasama ang Polillo islands), Aurora, Quirino, Isabela at Cagayan. (ABS-CBN News)
- Bagyong Milenyo (Xangsane):
- Ayon sa Office of Civil Defense at ipa pang sangay ng pamahalaan ng Pilipinas, umabot na sa 197 ang bilang ng mga namatay at 22 pa ang nawawala nang nanalasa ang Bagyong Milenyo sa bansa. (AFP)
- Tumaas na sa 42 ang bilang ng namatay sa Vietnam dulot ng Bagyong Milenyo. (AFP)
- Ipinahayag ng Hilagang Korea ang plano nitong magsagawa ng nuclear test. (Reuters)
- Nanalo sina John C. Mather at George F. Smoot ng Nobel Prize in Physics para sa kanilang gawa na tumulong sa pagtatag sa cosmogonical Big Bang theory ng universe. (Reuters)
- Nagbitiw na si Thaksin Shinawatra, ang pinatalsik na punong-ministro ng Thailand, sa kanyang partidong Thai Rak Thai (TRT). (Reuters)
- Limang estudyante ang namatay at lima pa ang malubhang nasugatan sa isang paaralang Amish sa Nickel Mines, Pennsylvania, Estados Unidos sa pamamaril ni Charles Carl Roberts, na nagpatiwakal pagkatapos ng insidente.
|
|
- Nagsara ang Dow Jones Industrial Average sa record high nito sa ikatlong magkakasunod na araw. (ABC News Australia Online)
- Natagpuan ng mga awtoridad ng Alemanya ang 51 na kalansay mula sa isang mass grave sa nayon ng Menden-Barge sa rehiyon ng Sauerland, pinaniniwalang mga biktima ng atrosidad ng mga Nazi noong panahon ng Ikawalng Digmaang Pandaigdig. (BBC)
- Mark Foley scandal: Nagpalabas ng apat na dosenang subpeona ang House Ethics Committee sa mga miyembro ng Kongreso at mga aides upang matuklasan kung sino ang nakakaalam ng explicit exchanges sa pagitan ng dating kinatawan Mark Fole at ng menor-de-edad na Congressional pages. (MSNBC)
|
|
- Isang truce ang tinawag sa Bolivia pagkaraan ng isang sagupaan ng mga grupo ng minero na nakapatay ng 16 katao ang namatay at 60 katao ang nasugatan. Tinanggal ni Evo Morales, Pangulo ng Bolivia, ang kanyang ministro sa pagmimina dahil sa hindi pag-anticipate sa karahasan. (ABC News Australia)
- Mga 18,000 katao ang inilikas mula sa Apex, North Carolina, Estados Unidos at 13 ang iniulat na nasugatan pakaraan ng isang pagsabog at sunod sa isang plantang kimikal ng Environmental Quality Industrial Services. (CNN)
- Nakabuo na ng kasunduan ang mga negosyador mula European Union at ng Estados Unidos tungkol sa paghahalinhinan sa trans-Atlantic passenger data upang gamitin sa mga imbestigasyon kontra-terorismo. (The Independent)
- Nire-review ng Theological Commission ng Simbahang Romano Katoliko ang mga aral ng limbus infantium (limbo para sa mga sanggol na mamatay bago mabinyagan) at maaring irekomenda kay Papa Benedict XVI na baguhin. (BBC)
- Ipinahayag na ng bagong Punong Ministro ng Sweden, si Fredrik Reinfeldt, ang kanyang bagong gabinete. (BBC)
|
Tala ng mga Pangyayari ayon sa Buwan
2006: Enero, Pebrero, Marso, Abril, Mayo, Hunyo, Hulyo, Agosto, Setyembre, Oktubre, Nobyembre, Disyembre
2005: Enero, Pebrero, Marso, Abril, Mayo, Hunyo, Hulyo, Agosto, Setyembre, Oktubre, Nobyembre, Disyembre