Hunyo 2006
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
May – Hunyo – Hul | ||||||
LU | MA | MI | HU | BI | SA | LI |
29 | 30 | 31 | 1 | 2 | 3 | 4 |
5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 |
12 | 13 | 14 | 15 | 16 | 17 | 18 |
19 | 20 | 21 | 22 | 23 | 24 | 25 |
26 | 27 | 28 | 29 | 30 | 1 | 2 |
2006 Kalendaryo |
[baguhin] Hunyo 3, 2006 (Sabado)
- Sa isang espesyal na sesyon ng paliamentaryo, ipinahayag ng Montenegro na malaya ito mula sa Serbia at Montenegro. (AP)
- Hindi babayaran ng pamahalaan ng Pilipinas ang hinihinging pang-tubos para sa mga bihag na Pilipino sa Somalia. (inq7.net)
- Sa korte ng Lungsod ng Makati, Pilipinas, nagpatuloy ang paglilitis sa kaso ng panggagahasa sa isang babae sa Subic laban sa mga suspek na marino ng Estados Unidos. (inq7.net)
[baguhin] Hunyo 5, 2006 (Lunes)
- Nanawagan ang Australia ng marami pang sundalo at pulis sa Timog-silangang Asya upang tulugan g pigilan ang kaguluhang sibil sa Silangang Timor. (Reuters)
[baguhin] Hunyo 6, 2006 (Martes)
- Nagbitiw ang Punong Ministro ng Iceland na si Prime Minister Halldór Ásgrímsson pagkatapos ng mahinang pagpapakita sa lokal na halalan. (BBC)
- Pinasyahan ng Kapulungan ng mga Kinatawan at Senado ng Pilipinas ang pagwawalang bisa sa parusang kamatayan. (inq7.net)
[baguhin] Hunyo 13, 2006 (Miyerkules)
- Sang-ayon sa Pambansang Lupon sa Ugnayang Pang-estadistika (National Statistics Coordination Board [NSCB]) ng Pilipinas, ang Zamboanga del Norte ang pinakamahirap na lalawigan sa Pilipinas kasama ang pito pang lalawigan sa Mindanao. Matatagpuan naman sa Luzon ang 10 sa pinakahuli sa mga mahihirap. (inq7.net)
[baguhin] Hunyo 24, 2006 (Sabado)
- Nagkawalang-bisa ang parusang kamatayan sa Pilipinas dahil sa paglagda ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng Batas Republika Blg. 9346. (inq7.net)
[baguhin] Hunyo 28, 2006 (Huwebes)
- Ang Montenegro ay naging ika-192ng miyembro ng mga Nagkakaisang Bansa. (UN)
Tala ng mga Pangyayari ayon sa Buwan