Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
|
- 80 katao ang namatay matapos bumagsak ang isang jet ng Iran na may sakay na 147 pasahero sa Mashad, Iran. (CNN)
|
|
- Pandaigdigang Kampeonato ng Basketbol 2006. Tinalo ng Espanya ang Gresya, 70-47, upang maitala ang kanilang unang pagpapanalo ng Pandaigdaigang Kampeonato ng FIBA.
- Ang beteranong manlalaro ng tennis na si Andre Agassi ay nagretiro pagkatapos ng 21 taon. (Reuters)
|
|
- Tumangging makialam ang Komisyon ng Halalan ng Pilipinas sa petisyon na magkaroon ng isang plebisito para baguhin ang Saligang Batas ng Pilipinas.
- Namatay si Steve Irwin ng Australia, na sumikat sa palabas pangtelebisyon na The Crocodile Hunter, ay namatay dahil sa page sa Cairns, Australia. Siya ay 44.
|
|
- Tagas ng langis sa Guimaras. Maaring mahirapang magbayad ang may-ari ng M/T Solar 1 sa mga naapektuhan ng pagtagas ng langis karagatang malapit sa Guimaras dahil sa hindi nila pagbayad ng seguro at pagtatalaga ng hindi lisensyadong kapitan (ABS-CBN)
- Isinilang ni Prinsesa Akishino ng Japan ang unang sanggol na lalake ng pamilyang imperyal sa higit na 40 na taon (CNN)
|
|
- Binaba ng mga bulkanolohista ang alerto sa Bulkang Mayon sa pangatlong antas mula sa pangapat. (ABS-CBN)
- Tinalo ni Efren Reyes si Rodney Morris upang mapanalunan ang 8-Ball Open Championship ng Daigdig sa Reno, Nevada. (ABS-CBN)
|
|
- Tagas langis sa Guimaras. Natapos ng isang board of marine inquiry ang imbestigasyon hinggil sa dahilan ng paglubog ng Solar 1 sa karagatang malapit sa Guimaras. (Manila Standard Today)
- Ang bagong silang na prinsipe ng Hapon ay pinangalanang Hisahito. (CNN)
|
|
- Susog Konstitusyon 2006. Dininig ng Korte Suprema ang mga pangangatwiran ng mga partido na sumasang-ayon at tumututol sa pagsusog sa Saligang Batas. (ABS-CBN)
|
Tala ng mga Pangyayari ayon sa Buwan
2006: Enero, Pebrero, Marso, Abril, Mayo, Hunyo, Hulyo, Agosto, Setyembre, Oktubre, Nobyembre, Disyembre
2005: Enero, Pebrero, Marso, Abril, Mayo, Hunyo, Hulyo, Agosto, Setyembre, Oktubre, Nobyembre, Disyembre