La Salle Greenhills
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang La Salle Green Hills ay isang Katolikong institusyon para sa mga lalaki na naglalayon na humubog ng mga responsableng mamamayan at mga pinuno sa hinaharap. Upang magampanan ang mithiing ito at ang tatlong-tiklop na ideyal ng religio, mores, at cultura, inaapirma ng La Salle Green Hills ang misyon nito: ang pagbuo ng mga Kristiyanong matinong lalaki na nabubuhay sa ebanghelyo.
[baguhin] Misyon
Upang magampanan ang misyon na ito, pinapangako ng La Salle Green Hills na:
- ipagpatuloy na paunlarin ang mga pagpapahalagang ispirituwal at moral;
- igalang ang pagiging indibidwal ng bawat tao at ang kabuuan ng kanyang potensyal;
- isulong ang mahalaga at pambihirang programang pang-akademika;
- pagyamanin ang politikal at sosyal na kaalaman, hustisyang panlipunan at tungkuling panlipunan para sa pag-unlad ng kalikasan;
- isulong ang pagpapayaman ng kulturang Filipino at ang pag-usbong ng isang interdependenteng lipunang pangmundo.
[baguhin] Kasaysan
Noong unang bahagi ng dekada 50, nahirapan ang mga Brothers ng De La Salle College (De La Salle University ngayon) na tanggapin ang mga estudyanteng nagnanais makapasok sa elementaryo. Kailangan nilang baliktarin ang isang naunang polisiya na hindi magpapalaki sa kalakhang Maynila kundi sa mga lalawigan lamang.
Kahit hindi sigurado, nakinig sila sa mga suhestiyon mula sa mga mababait na kaibigan ng paaralan. Iminungkahi ng magkapatid na Ortigas, Don Rafael at Atty. Francisco, na pag-aralan ang isang proposisyon na kunin ang isang lote sa likod ng Wack Wack Golf Course. Mahirap matunton at hindi pa napapaunlad ang lugar ngunit may nakahanda ng tubig mula NAWASA at kuryente mula MERALCO.
Pagkatapos ng masusing mag-aaral ng mga Brothers, napagkasunduan ang mga kondisyong hiningi ng mga direktor ng Mandaluyong Estate at ipinanotaryo ang katibayan ng pagkabili noong Agosto 10, 1956. Anim na hektarya ang buong loteng nakuha.
Si Brother Arthur Peter ang nagsagawa ng groundbreaking para sa bagong Central house noong Hunyo 16, 1958. Noong Oktubre 17, 1968, ang House of Formation ay inilipat mula Baguio sa bago nitong lugar na ngayo'y Green Hills Subdivision na.
Ang La Salle Green Hills ay isang korporasyong non-stock at non-profit na binuo at kinilala ng batas ng Pilipinas at rehistrado sa Securities and Exchange Commission (SEC) noong Agosto 24, 1960 na may opisyal na pangalang La Salle Green Hills, Inc.
Noong Pebrero 1, 1961, pinangunahan ni Brother C. John, ang huli sa mga naunang mga Brother na pumunta sa Pilipinas ng 1912, ang groundbreaking ng unang permanenteng gusali. Binasbasan ang lugar ni Fr. Juan de Sautel, SJ, rektor ng Xavier School, at inilatag ni Brother H. Gabriel Connon, Auxiliary Provincial ng Pilipinas, ang batong pundasyon. Ang opisina ni Gines Rivera ang gumawa ng mga plano para dito.
Noong 1969, maraming mahahalagang pangyayari ang naganap at isa sa mga pinakabantog ay ang pagkilala sa hugis itlog na St. Benilde Hall at ang kasarinlan ng distrito ng Pilipinas mula sa Amerika.
Sa loob ng maikling panahon ng 40 taon, naitatag ng La Salle Green Hills ang pagiging paaralan ng karunungan na nakamit ang tiwala ng mga magulang sa paghubog sa buhay ng kanilang anak na lalaki at pagiging kaagapay sa pormasyong relihiyoso, moral at kultural.
(salin mula sa mga nilalaman ng website ng La Salle Green Hills)