Andres Bonifacio
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si Andrés Bonifacio (Nobyembre 30, 1863 - Mayo 10, 1897) ang pinuno ng rebolusyon ng Pilipinas laban sa pananakop ng Espanya, ang unang rebolusyon sa Asya laban sa pananakop ng mga Europeo. Noong 1892, itinatag niya ang Katipunan, isang lihim na kapisanang mapaghimagsik, na di naglaon ay naging sentro ng Hukbong Pilipinong Mapaghimagsik. Sa pagkatatag ng Katipunan, kinilala siya bilang Ama ng Rebolusyon sa Pilipinas.
Sa Katipunan, "Supremo" ang kanyang titulo at di naglaon, itinatag niya ang Pamahalang Mapaghimagsik.
Habang sa gitna ng rebolusyon, isang halalan ang ginanap sa Tejeros, Cavite, sa mansyon ni Emilio Aguinaldo, na ang humalok ay pawang mga taga-Cavite lamang. Nanalong pangulo si Aguinaldo, at ang Supremo ay bumaba sa posisyong Tagapangasiwa ng Panloob (Director of Interior). Nang sinubukan ng mga miyembro ng lupon ng mga Magdalo na kuwistiyunin ang kakayahan ni Andrés Bonifacio, idineklara ni Bonifacio na walang bisa ang naganap na eleksyon. Dahil dito, kinasuhan si Bonifacio ng sedisyon at pagtataksil at ipinahuli Aguinaldo sa kanyang mga tauhan si Bonifacio. Binitay si Bonifacio kasama ng kanyang kapatid na lalaki noong Mayo 10, 1897 malapit sa Bundok Nagpatong. Hanggang ngayon, hindi pa rin natatagpuan ang labi niya.