Alpha Records
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Alpha Records ay isang kompanya na nagsimula noong 1967 sa pangunguna ni Gloria Selga at inawit niya ang pamusong "Just Loving You" na ang likuran ay "San Francisco".
Kinuha rin nila ang serbisyo ng bulinggit na nanalo sa Tawag ng Tanghalan noong 1967 at agad pinapirma ng kontrata si Nora Aunor at isinaplaka niya ang una niyang awitin na di naman tumabo sa mga tao subalit ang sumunod ay parang lindol na niyanig ang mga bilihan ng mga plaka at si Aunor ay nakatala ng halos 150 awitin na halos karamihan ay talagang nag-akyat ng pera sa naturang kompanya.
Kinuiha rin nila ang serbisyo nina Rene Ordonez na inawit ang "True True Hapiness", Lirio Vital na pinasikat ang "Blossom Lady", Geraldine na inawit ang "I Don't Know How to Love Him", Eva Vivar sa kanyang awiting "Forbidden Games", Elizabeth Clyne, ManNy de Leon at napakaramipang iba.
[baguhin] Mang-aawit
- Gloria Selga - (1967-1968)
- Nora Aunor - (1968-1973)
- Manny de Leon - (1970-1971)
- Geraldine - (1971-1973)
- Denver Delarmente (2000-present)
- Rene Ordonez - (1972-1973)
- Lirio Vital -(1972-1973)
- Elizabeth Clyne - (1971-1972)