Sinaunang Roma
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Sinaunang Roma ay isang sinaunang kabihasnan sa Europa, hilagang Afrika, at kanlurang Asya na nagtagal mula 753 BCE hanggang 476 CE. Nang daan-daang taon kinontrol ng mga Romano ang kabuuan ng kanlurang Europa, pati na rin ang buong kasakupang pumapalibot sa Dagat Mediterranean at bahagi ng kasakupang pumapalibot sa Dagat Itim.