Sandatang nukleyar
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang sandatang nukleyar ay isang sandata na hinango ang kanyang enerhiya mula sa mga reaksyong nukleyar ng fission at/o fusion. Mas makapangyarihan ang pinakamaliit na sandatang nukleyar kaysa mga konbensyonal na eksplosibo maliban sa malalaking uri nito. Maaaring lipulin ng sampung-megaton na sandata ang buong lungsod. Maaari naman masunog ng sandaang-megaton na sandata (bagaman impraktikal ang paghusga) ang mga bahay na yari sa kahoy at ang mga gubat sa isang bilog na 60-100 milya (100-160 kilometro) sa diyametro. Naipadala ng ikalawang ulit ang sandatang nukleyar sa kasaysayan ng pakikidigma – parehong tinapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig; nangyari noong umaga na Agosto 6, 1945 ang unang ganoong pagbomba, noong hinulog ng Estados Unidos ang isang uranium na nasa mala-baril na kasangkapan na pinangalang "Little Boy" sa lungsod ng Hiroshima, Japan at nangyari naman pagkalipas ng tatlong araw ang paghulog ng ikalawang bomba sa Nagasaki, Japan; ipinangalan naman ang pangalawang bomba bilang "Fat Man" na isang plutonuim na nilagay sa isang kasangkapan na sumasabog paloob.