Privacy Policy Cookie Policy Terms and Conditions Pormulang kimikal - Wikipedia

Pormulang kimikal

Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.

Ang pormulang kemikal ay ang malinaw na paraan upang ipakita ang impormasyon tungkol sa mga atomo na bumubuo sa isang partikular na kompuesto. Ito ay tinatawag ding pormulang molekular. Nagpapakita ito ng bawat elemento (sa pamamagitan ng kanyang simbolo kimikal) at bilang ng mga atomo na bumubuo sa bawat molekula ng kompuesto. Ang bilang ng atomo (kung mas malaki sa isa) ay ipinakikita sa pamamagitan ng suskrito (subscript). Sa mga di-molekulang mga material, ipinakikita ang ratio ng mga elemento sa pormulang empirikal. Ito ay tinatawag na pormulang panglahat kung ang pagkakaiba ng isang serye ng kompuesto ay naiiba lamang sa isa’t isa sa pamamagitan ng isang constant unit. Any seryeng ito ay tinatawag na seryeng homologo (homologous series) at homolog naman ang tawag sa mga kasapi nito.

Mga nilalaman

[baguhin] Pormulang Molekular at Estruktural

Halimbawa, ang methane, ay isang simpleng molekula na binubuo ng isang atomo ng karbon na nakakawing sa apat na atomo ng hidroheno na may pormulang kimikal na:

CH4

At ang glukosa ay binubuo ng anim na atomo ng karbon, labing-dalawang atomo ng hidroheno at anim na atomo ng oksiheno na may pormulang kimikal na:

C6H12O6.

Ang isang pormula ay makapagbibigay din ng impormasyon tungkol sa uri at ayos ng kawing ng isang kimikal. Nguni’t hindi ito nagbabadya ng tunay na isomero (ayos sa espasyo). Halimbawa, ang ethane ay binibuo ng dalawang karbon na may isang kawing sa isa’t isa at tatlong hidroheno sa bawat karbon. Ang kanyang pormulang kimikal ay CH3CH3. Kung may dalawang kawing sa pagitang ng dalawang atomo ng karbon (at mangyaring dalawang hidroheno lamang ang nakakawing sa bawat karbon), ang pormula nito ay isinusulat ng CH2CH2. Sa pormulang ito, ang dalawang kawing sa pagitan ng dalawang karbon unawa na. Ngunit mas malinaw at tama kung ito’y isusulat ng H2C:CH2 o kaya’y H2C=CH2. Ang dalawang tuldok o linya ay pakahulugang may dalawang kawing na nagkakabit sa pagitan nito.

Ang tatlong kawing ay maipakikita sa paggamit ng tatlong tuldok o linya. At kung may pagkalito, isang tuldok o linya ay maaaring gamitin upang ipakita ang isang kawing. Ang mga molekulang may maraming grupong punsiyonal na magkapareho ay maipakikita sa ganitong paraan: (CH3)3CH. Ngunit ito’y nagpapakita ng kakaibang estruktura sa ibang molekulang maaring mabuo rin parehong bilang ng atomo nito. Ang pormulang (CH3)3CH ay nagpapakita ng isang kadena ng tatlong atomong karbon na kung saan ang gitnang karbon ay nakakawing sa tatlong karbon.


at ang mga natitirang kawing ay mga atomo ng hidrohenang nakakabit sa karbon. Gayunpaman, parehong bilang ng mga atomo (10 hidroheno at 4 karbon, o C4H10) ang ginagamit upang makabuo ng isang tuwid na kompuesto nito: CH3CH2CH2CH3.

Ang alkene ng 2-butene ay may dalawang isomero na hindi ipinakikita ng pormulang CH3CH=CHCH3. Ang relatibong posisyon ng dalawang grupo ng methyl ay maipakikita sa paggamit ng dagdag na notasyon kung saan naroon ito – magkatabi sa isang gilid (cis o Z) o magkasalungat (sa magkabilang gilid) sa isa’t isa (trans o E) ng dobleng kawing ng karbon.

[baguhin] Mga Polimero

Panaklong ang inilalagay sa paulit-ulit na yunit ng polimero (polymers). Halimbawa, ang molekula ng isang hidrokarbon ay maipakikita ng ganito: CH3(CH2)50CH3, isang molekulang may 50 paulit-ulit na yunit. Kung ang bilang ng paulit-ulit na yunit ay di-alam o nagbabago, ang letrang n ang ginagamit upang maipakita ito: CH3(CH2)nCH3.

[baguhin] Mga Ioniko (Ions)

Ang karga ng isang atomong ioniko ay maipakikita sa pamamagitan ng superscript sa kanan ng simbolo nito. Halimbawa: Na+, o Cu2+. Ang kabuuang karga ng isang kargadong molekula o isang ionikong polyatomiko ay maipakikita rin ng ganito. Halimbawa, hidronyum, H3O+ or sulfato, SO42-.

[baguhin] Mga Aysotops (Isotopes)

Ang iba’t ibang isotopes ay maipakikita sa paggamit ng pakaliwang superscript sa isang pormulang kimikal. Halimbawa, ang isang ioniko ng phosphate ay may radyaktibong phosphorus-32 ay ipinakikita ng ganito 32PO43-. At ang isang pag-aaral ng isang panatag ng ratio ng dalawang isotopes ng oksihena maipakikita ng ganito: 18O:16O.

[baguhin] Pormulang Empirikal

Sa kimika, ang pormulang empirikal ng isang kimikal ay isang payak na ekspresyon ng relatibong bilang ng bawat atomo o ratio ng mga elementong bumubuo rito. Ang pormulang empirikal ay standard sa mga kompuestong ioniko tulad ng CaCl2 at sa mga makromolekulang tulad ng SiO2. Hindi nito ipanakikita ang kanyang isomerismo, estruktura o absolutong bilang ng mga atomo. Ang katagang empirikal ay mula sa proseso ng kilatis elemental (elemental analysis), isang paraan ng kimika analitika na kung saan inaalam ang relatibong porsyento ng komposisyong elemental ng isang purong kimika.

Halimbawa, ang hexane ay may isang pormulang kimikal ng CH3CH2CH2CH2CH2CH3, na nagpapakita na ito ay isang tuwid na kadena ng estruktura, 6 na atomo ng karbon, at 14 na atomo ng hidroheno. Ang pormulang empirikal nito ay C3H7.

[baguhin] Batayan

Static Wikipedia (no images)

aa - ab - af - ak - als - am - an - ang - ar - arc - as - ast - av - ay - az - ba - bar - bat_smg - bcl - be - be_x_old - bg - bh - bi - bm - bn - bo - bpy - br - bs - bug - bxr - ca - cbk_zam - cdo - ce - ceb - ch - cho - chr - chy - co - cr - crh - cs - csb - cu - cv - cy - da - de - diq - dsb - dv - dz - ee - el - eml - en - eo - es - et - eu - ext - fa - ff - fi - fiu_vro - fj - fo - fr - frp - fur - fy - ga - gan - gd - gl - glk - gn - got - gu - gv - ha - hak - haw - he - hi - hif - ho - hr - hsb - ht - hu - hy - hz - ia - id - ie - ig - ii - ik - ilo - io - is - it - iu - ja - jbo - jv - ka - kaa - kab - kg - ki - kj - kk - kl - km - kn - ko - kr - ks - ksh - ku - kv - kw - ky - la - lad - lb - lbe - lg - li - lij - lmo - ln - lo - lt - lv - map_bms - mdf - mg - mh - mi - mk - ml - mn - mo - mr - mt - mus - my - myv - mzn - na - nah - nap - nds - nds_nl - ne - new - ng - nl - nn - no - nov - nrm - nv - ny - oc - om - or - os - pa - pag - pam - pap - pdc - pi - pih - pl - pms - ps - pt - qu - quality - rm - rmy - rn - ro - roa_rup - roa_tara - ru - rw - sa - sah - sc - scn - sco - sd - se - sg - sh - si - simple - sk - sl - sm - sn - so - sr - srn - ss - st - stq - su - sv - sw - szl - ta - te - tet - tg - th - ti - tk - tl - tlh - tn - to - tpi - tr - ts - tt - tum - tw - ty - udm - ug - uk - ur - uz - ve - vec - vi - vls - vo - wa - war - wo - wuu - xal - xh - yi - yo - za - zea - zh - zh_classical - zh_min_nan - zh_yue - zu -

Static Wikipedia 2007 (no images)

aa - ab - af - ak - als - am - an - ang - ar - arc - as - ast - av - ay - az - ba - bar - bat_smg - bcl - be - be_x_old - bg - bh - bi - bm - bn - bo - bpy - br - bs - bug - bxr - ca - cbk_zam - cdo - ce - ceb - ch - cho - chr - chy - co - cr - crh - cs - csb - cu - cv - cy - da - de - diq - dsb - dv - dz - ee - el - eml - en - eo - es - et - eu - ext - fa - ff - fi - fiu_vro - fj - fo - fr - frp - fur - fy - ga - gan - gd - gl - glk - gn - got - gu - gv - ha - hak - haw - he - hi - hif - ho - hr - hsb - ht - hu - hy - hz - ia - id - ie - ig - ii - ik - ilo - io - is - it - iu - ja - jbo - jv - ka - kaa - kab - kg - ki - kj - kk - kl - km - kn - ko - kr - ks - ksh - ku - kv - kw - ky - la - lad - lb - lbe - lg - li - lij - lmo - ln - lo - lt - lv - map_bms - mdf - mg - mh - mi - mk - ml - mn - mo - mr - mt - mus - my - myv - mzn - na - nah - nap - nds - nds_nl - ne - new - ng - nl - nn - no - nov - nrm - nv - ny - oc - om - or - os - pa - pag - pam - pap - pdc - pi - pih - pl - pms - ps - pt - qu - quality - rm - rmy - rn - ro - roa_rup - roa_tara - ru - rw - sa - sah - sc - scn - sco - sd - se - sg - sh - si - simple - sk - sl - sm - sn - so - sr - srn - ss - st - stq - su - sv - sw - szl - ta - te - tet - tg - th - ti - tk - tl - tlh - tn - to - tpi - tr - ts - tt - tum - tw - ty - udm - ug - uk - ur - uz - ve - vec - vi - vls - vo - wa - war - wo - wuu - xal - xh - yi - yo - za - zea - zh - zh_classical - zh_min_nan - zh_yue - zu -

Static Wikipedia 2006 (no images)

aa - ab - af - ak - als - am - an - ang - ar - arc - as - ast - av - ay - az - ba - bar - bat_smg - bcl - be - be_x_old - bg - bh - bi - bm - bn - bo - bpy - br - bs - bug - bxr - ca - cbk_zam - cdo - ce - ceb - ch - cho - chr - chy - co - cr - crh - cs - csb - cu - cv - cy - da - de - diq - dsb - dv - dz - ee - el - eml - eo - es - et - eu - ext - fa - ff - fi - fiu_vro - fj - fo - fr - frp - fur - fy - ga - gan - gd - gl - glk - gn - got - gu - gv - ha - hak - haw - he - hi - hif - ho - hr - hsb - ht - hu - hy - hz - ia - id - ie - ig - ii - ik - ilo - io - is - it - iu - ja - jbo - jv - ka - kaa - kab - kg - ki - kj - kk - kl - km - kn - ko - kr - ks - ksh - ku - kv - kw - ky - la - lad - lb - lbe - lg - li - lij - lmo - ln - lo - lt - lv - map_bms - mdf - mg - mh - mi - mk - ml - mn - mo - mr - mt - mus - my - myv - mzn - na - nah - nap - nds - nds_nl - ne - new - ng - nl - nn - no - nov - nrm - nv - ny - oc - om - or - os - pa - pag - pam - pap - pdc - pi - pih - pl - pms - ps - pt - qu - quality - rm - rmy - rn - ro - roa_rup - roa_tara - ru - rw - sa - sah - sc - scn - sco - sd - se - sg - sh - si - simple - sk - sl - sm - sn - so - sr - srn - ss - st - stq - su - sv - sw - szl - ta - te - tet - tg - th - ti - tk - tl - tlh - tn - to - tpi - tr - ts - tt - tum - tw - ty - udm - ug - uk - ur - uz - ve - vec - vi - vls - vo - wa - war - wo - wuu - xal - xh - yi - yo - za - zea - zh - zh_classical - zh_min_nan - zh_yue - zu

Static Wikipedia February 2008 (no images)

aa - ab - af - ak - als - am - an - ang - ar - arc - as - ast - av - ay - az - ba - bar - bat_smg - bcl - be - be_x_old - bg - bh - bi - bm - bn - bo - bpy - br - bs - bug - bxr - ca - cbk_zam - cdo - ce - ceb - ch - cho - chr - chy - co - cr - crh - cs - csb - cu - cv - cy - da - de - diq - dsb - dv - dz - ee - el - eml - en - eo - es - et - eu - ext - fa - ff - fi - fiu_vro - fj - fo - fr - frp - fur - fy - ga - gan - gd - gl - glk - gn - got - gu - gv - ha - hak - haw - he - hi - hif - ho - hr - hsb - ht - hu - hy - hz - ia - id - ie - ig - ii - ik - ilo - io - is - it - iu - ja - jbo - jv - ka - kaa - kab - kg - ki - kj - kk - kl - km - kn - ko - kr - ks - ksh - ku - kv - kw - ky - la - lad - lb - lbe - lg - li - lij - lmo - ln - lo - lt - lv - map_bms - mdf - mg - mh - mi - mk - ml - mn - mo - mr - mt - mus - my - myv - mzn - na - nah - nap - nds - nds_nl - ne - new - ng - nl - nn - no - nov - nrm - nv - ny - oc - om - or - os - pa - pag - pam - pap - pdc - pi - pih - pl - pms - ps - pt - qu - quality - rm - rmy - rn - ro - roa_rup - roa_tara - ru - rw - sa - sah - sc - scn - sco - sd - se - sg - sh - si - simple - sk - sl - sm - sn - so - sr - srn - ss - st - stq - su - sv - sw - szl - ta - te - tet - tg - th - ti - tk - tl - tlh - tn - to - tpi - tr - ts - tt - tum - tw - ty - udm - ug - uk - ur - uz - ve - vec - vi - vls - vo - wa - war - wo - wuu - xal - xh - yi - yo - za - zea - zh - zh_classical - zh_min_nan - zh_yue - zu