Philippine Idol
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Isang palabas sa telebisyon ang Philippine Idol na napapabilang sa prankisa ng Idol na unang sumikat sa Ingglatera bilang Pop Idol. Iginawad ng Fremantle Media, 19 Entertainment at CKX, Inc. sa Associated Broadcasting Company na nagpalabas ng American Idol at World Idol sa Pilipinas. Katulad ng mga naunang Idol, ninanais ng palabas na mahanap ang pinakamahusay na mang-aawit sa Pilipinas na magsisilbing idolo ng mga Pilipino.
Si Ryan Agoncillo ang nagsisilbing host ng programa. Sina Francis Magalona (isang rapper at produser), Pilita Corrales (isang mangangawit na kilala bilang "Asia's Queen of Songs", Reyna ng mga Awit ng Asya), at Ryan Cayabyab (premyadong compositor) naman ang naatasan maging hurado. Nag-audition sina Agoncillo, Corrales at Magalona para maging bahagi ng programa habang pinili ng producer si Cayabyab.