PhilSports Complex
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Philippine Institute of Sports Complex (kilala din bilang PhilSports) ay isang pambansang palaruan sa Pilipinas. Matatagpuan ito sa Meralco Avenue sa Lungsod ng Pasig, Kalakhang Maynila, Pilipinas. Matatagpuan dito ang mga tanggapan ng Philippine Sports Commission at ilang mga asosayon ng pambansang palakasan.
Ginawa ang ilang pasilidad sa PhilSports Complex upang mapunan ang pangangailangan ng mga Filipinong manlalaro sa pagsasanay at gawing mga silid para matirahan. Sa bisa ng Republic Act 6847, na nilikha ang Philippine Sports Commission, ginawa at pinapanatili ang isang pasilidad na pampalakasan na kumpleto sa kagamitan. Hinggil sa pagkalapit nito sa mga distritong pang-kalakalan ng Makati at Ortigas, ginagamit din ang lugar upang magdaos ng mga konsyerto at kombensyon.
[baguhin] Kasaysayan
Dating palaruan ng dating paaralan na may pangalang Saint Martin's Integrated School (Elementarya at Hayskul). Inilipat ang paaralan kay dating Unang Ginang Imelda Marcos noong dekada 1970 at muling inorganisa ang paaralang bilang University of Life, isang paaralang bokasyonal. Naging University of Life TRack and field and Arena (ULTRA) Sports Complex ang aktwal na pangalan nito. Nang naalis sa puwesto si Marcos, pinasara ang University of Life. Bagaman, inilipat ang mga pasilidad pampalakasan sa Philippine Sports Commission para sa paghahanda sa 1991 Southeast Asian Games. Maraming naging pangalan na inugnay sa lugar. Ang mga ito ay The Ultra, PSC-Philippine National Academy of Sports (PSC-PNAS) at PSC Sports Complex. Hinggil sa pagkalito ng publiko lalo na sa mga konsyerto, napagpasyahan ng komisyon na magkaroon ng permanenteng pangalan: PhilSports. Nagtamo ang espasyo ng lugar sa maximum na tagapanood nang magtanghal ng isang konsyerto ang grupong Taiwanes na F4 at si Barbie Xu noong 2003.
Sa Philsports din naganap ang mga laban ng badminton para sa 2005 Southeast Asian Games noong Nobyembre 27, 2005 hanggang December 5, 2005.
Noong Pebrero 4, 2006, nangyari sa PhilSports Complex ang isang stampede. Gaganapin sana Wowowee, isang palabas ng ABS-CBN, ang unang anibersaryo ng palabas, at maraming tao ang naghantay sa labas ng tarangkahan ng PhilSports. Nang biglang nagkagulo ang mga tao at naapakan ang mga taong natumba. Kasalukuyang iniimbistiga ang sanhi ng stampede, na sang-ayon sa mga ulat ay kinitil ang 74 mga katao.
[baguhin] Mga pasilidad
- PhilSports Arena (kapasidad: 10,000)
- PhilSports Baseball Stadium
- PhilSports Football and Athletic Field