Perla Garcia
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Perla Garcia | |
Petsa ng kapanganakan: | 1924 |
Petsa ng kamatayan: | 1949 |
---|
Si Perla Garcia ay isang artistang Pilipino na nakilala bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Una siyang gumanap sa isang pelikulang musical na Balatkayo na gawa ng Sampaguita Pictures. Lumipat siya sa Filippine Pictures gumanap sa musical na Binibiro Lamang Kita at sa X'Otic Pictures naman sa komedya na Manilena.
Pagkaraan ng digmaan, taong 1947, kinuha siya ni Manuel Conde upang maging kapareha sa pelikulang Si Juan Tamad sa ilalim ng Manuel Conde Productions at sa pelikulang drama na Meme na Bunso ng Panay Negros Pictures.
Taong 1949 ng siya ay mamatay at matapos pa ang pelikulang Sipag ay Yaman ng LVN Pictures kung saan pinagbidahan ni Carmen Rosales. Ito na rin ang kanyang huling pelikula.
[baguhin] Pelikula
- 1941 -Balatkayo
- 1941 -Binibiro Lamang Kita
- 1941 -Manilena
- 1947 -Si Juan Tamad
- 1948 -Meme na Bunso
- 1949 -Sipag ay Yaman