Pangunahing palagay
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Sa Pilosopiya, ang pangunahing palagay o "pambungad na palagay" (major premise) sa isang silogismo ay ang palagay na nagtataglay ng pangunahing paksa (major term) at panggitnang paksa (middle term).
[baguhin] Halimbawa
- 1: Ang lahat ng estudyante ay may dalang bag.
- 2: Ang lolo ko ay isang estudyante.
- 3: Kaya naman, ang lolo ko ay may dalang bag.
Sa bilang 1, matatagpuan natin ang "pangunahing palagay." Makikita rito ang "pangunahing paksa" (may dalang bag) na nagsisilbing panaguri ng katapusang pangungusap (conclusion) sa bilang 3.