Paghahardin
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang paghahardin ay isang gawain—ang sining ng pagpapalago ng halaman—na kadalsang ginagawa sa labas o loob ng bahay, sa puwang na tinatawag na hardin. Kung malapit ang hardin sa bahay ng mga tao, harding residensyal ang tawag dito. Bagaman madalas na makikita ang mga hardin sa lupa na nasa loob, palibot o katabi sa isang bahay, maaari din matagpuan ito sa ibang lugar katulad sa bubong, biranda, sa mga lalagayang kahon ng mga halaman, atrium at patio.
Maaari din na makita ang pagtatanim ng halaman sa ibang lugar na di residensyal katulad ng mga parke, publiko at kalahating-publiko na hardin (harding botanikal o harding soolohikal), aliwan at mga theme park, kasama ang mga pasilyo ng transportasyon, mga panghalina ng turismo at bahay tuluyan. Sa mga ibang katayuan, pinapanatili ng mga hardinero ang mga hardin.