Pagbabasa (teknikal)
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang pagbabasa ay isang kilos na ginagampanan ng mga kompyuter upang makakuha ng datos mula sa isang pinangalingang tagapamagitan at nilagay ito sa kanilang pansamantalang imbakan para sa pagproseso. Halimbawa, maaari na magbasa ng impormasyon ang isang kompyuter sa isang floppy disk at iimbak ito sa RAM na ilalagay sa hard drive upang iproseso sa hinaharap. Maaari magbasa ang mga kompyuter mula sa iba't ibang pinangagalingang imbakan, katulad ng imbakang magnetic, ang Internet, o lagayan ng audio at video ports.
Maaari na ihiwalay ang pagbabasa sa isang pangunahing gawain ng isang makinang Turing.