Orange and Lemons
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
- Tungkol sa Pinoy rock band na Orange and Lemons ang artikulong ito. Para sa nursery rhyme, tignan ang Oranges and Lemons.
Orange and Lemons ay isang Pinoy rock band mula sa Pilipinas, na kinuha ang pangalan nila mula sa nursery rhyme na Oranges and Lemons. Sumikat sila sa awiting Pinoy Ako, na ang theme song ng Pinoy Big Brother.
[baguhin] Miyembro
Ang bandang Filipinong ito ay binubuo ng mga sumusunod na miyembro:
- Clem Castro - Bokalista/Elektronikong gitara
- Mcoy Fundales - Bokalista/Akustikong gitara
- JM del Mundo - Bass
- Ace del Mundo - Tambol
Naitampok ang Orange at Lemons sa MTV bilang Rising Star noong Hunyo 2005.
[baguhin] Album at awitin
Ilan sa mga awitin ng bandang ito ay ang
- "Pabango Sa 'Yong Mga Mata,"
- "Lihim,"
- "Cycle Of Love" at
- "Rock-A-Bye."
Sa Pinoy Big Brother, itinampok din ang awiting itinitik ni Jonathan Manalo:
- "Pinoy Ako".
- Unang album ng grupong ito ay ang Love In The Land Of Rubber Shoes And Dirty Ice Cream sa ilalim ng Turno Records.