Wikipedia:Mga Wikipedista
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang mga Wikipedista ang mga taong nagsusulat at namamatnugot ng mga artikulo para sa Wikipedya. Kasapi sila ng Komunidad Wikipedya.
Dahil sa malawak na dibersidad ng mga Wikipedista, imposibleng makalikha ng mga mararaming pahayag ukol sa mga wikipedista sa pangkalahatan. Matatanaw ang impormasyon tungkol sa mga indibidwal na Wikipedista sa kanilang mga pahinang pangmanggagamit (pahinang User). Gayumpaman, hindi kinakailangan ang mga Wikipedista na likhain ang mga pahinang ito o kaya man ay lagyan ito ng impormasyon.
Maaaring tanawin ang mga Wikipedista bilang isang pandaigdigang kolonya ng mga langgam—maliban lang sa wala itong reyna at malayang piliin ng mga manggagamit ang kanilang mga papel. Ang ilang mga Wikipedista ay binabati ang mga bagong-dating, ang ilan naman ay iginagawaran ng gantimpala ang silang karapat-dapat na gantimpalain. Ang ilan ay nag-a-upload ng mga imahen, ang ilan ay pinagtatrabahuhan ang mga artikulong pangkasaysayan, ang ilan ay nagsisimula ng mga artikulo, at ilan din ay nagtatrabaho sa pag-aalis ng bandalismo. Marami ay ginagawa ang lahat ng mga ito. Anuman ang mapasiyahang gawing ng Wikipedista, ang bawat isa sa kanila ay mahalaga.