Martin Luther
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si Padre Martin Luther ay ipinanganak noong Nobyembre 10, 1482 at namatay noong Pebrero 13, 1546. Siya ay Alemang teolohiyano at isa sa mga pinakamataas na pinuno ng Repormasyong Protestante. Si Padre Martin ay tinaguriang “Ama ng Protestantisimo” at ang Lutheranismo, ang sectang itinayo niya ay ipingalan sa kanya. Buhay Kabataan: Si Luther, isang anak ng minerong Saxon ay ipinanganak sa Eisleben, Alemanya. Gusto ng ama niya maging abogado ngunit ginusto niya pumasok sa monasteryong Augustinian sa Erfurt at di kalaunan ay inordinahan siya bilang pari noong 1507. Noong 1510,binisita niya ang Roma dahil sa kanyang tungkulinat bigla siyang nabigla na merong korupsyon na nagaganap sa simbahan. Pinag-aralan niya ang Bibliya ng mauti at nagkaroon siya ng konklusyon na si Hesus ang tagapamagitan ng Diyos at tao. Matatamo lamang ang kaligtasan sa pamamagitan ng Biliya at pananampalataya. Tutol din siya sa mga sakramento pagkat di ito nakasulat sa Bibliya maliban sa binyag at komunyon.
Pagtuligsa sa Indulhensiya: Ang doktrina ng Indulhensiya ay ang bagay na nagpagalit sa kanya. Ang pagbebenta ng Indulhensiya---ang kapatawarang ng panadaliang parusa ng mga kasalanang nagawa at kinumpisal ay pinagkakakitaan. Si Albert of Bradenburg, arsobispo ng Mainz ay sinuportahan ito.Kaya noong pinadala ang kanyang kinatawan sa Saxony, ipinaskil niya ang kanyang sikat na 95 Theses sa pintuan ng simbahan ng Wittenburg noong Oct 31, 1517. Bagamat ang iba sa kanyang mga theses ay direktang kinukutya ang polisiya ng papa, ito a nagging pansamantalang tumutol sa pagpupulong. Ang kopya nito ay mabilis kumalat sa buong Europa at nagging kontrobersyal. Nang malaman ng Saxong Dominican ito, pinaratangan siyang erehe at pinatawag sa Augsburg para sa papal legate. Tumangging bawiin ang mga sinabi laban sa Simbahan. Pumunta siya sa Wittenburg para humingi ng proteksiyon kay Frederick III. Sinabi ni Frederick na wag muna siya pumunta sa Roma upang di siya makulong o mapatay.
Mga Reporma Noong 1510, kinumpleto ni Luther ang tatlo kanyang mga nagawa kung saan ang nilalaman noon ay kanyang mga saloobin. Sa kanyang Address to the Christian Nobility to the German Nation, hinimok niya ang mga prinsipe na magkaroon ng reporma, sa Prelude Concerning the Babylonian Captivityof the Church, initake niya ang papado at ang teolohiya ng sakramento at sa On The Freedom of the Christian Man, ipinakita ang mabuting gawa.A ng Exsurge Domine ay ipinasa noong June 15 noong parehong panahon naiyon. Binigyan siya ng 60 days para magbalik-loob at noong Enero 3, 1521 inekskomunika siya.
Si Luther ay nagsulat ng mga libro patungkol sa mgakatesisno, sermon, hymno at libu-libong mga sulat at isinalin niya ang Bibliya sa wikang Aleman. Nag-organisa ng bagong simbahan sateritoryo ng Alemanya at sinuportahan ng prinsipe. Ang mga pari ay pwede ng magpakasal Napabayaan ang mga seminaryo at kumbento. Bigla na lang humina ang kanyang suporta ng pinakilaman niya ang Knights Revolt at Peasant War. Ang Diet ay may pinalabas na kautusan na tinatawag na Edict of Worms, sinasabi na bawal basahin ang kanyang mga nailathala. Nagpakasl siya sa Cisterian na madre na nagngangalang Katharina Von Bora at nagkaroon ng anim na anak.
Noong 1545, Siya ay inatasang maglitis at Eisleben.Sa kabila ng malamig na panahon, naglakbay pa rin siya. Ang pag-aaway ay nangyari noong Pebrero 17, 1546 pero ang kanyang pamilya ay naging matatag at sa kasamaang palad namatay siya kinabukasan.