Mariano Gomez
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Isinilang noong Agosto 2, 1799 sa Sta. Cruz, Maynila. Bagamat lahing intsik ang kanyang mga magulang, sina Francisco Gomez at Martina Custodio, dugong Pilipino ang sa kanila ay nananalaytay.
Nagtapos ng teolohiya sa Pamantasan ng Sto. Tomas at naging pari noong Hunyo 2, 1824 sa Parokya ng Bacoor, Cavite. Hindi lamang tumulong sa espirituwal na layunin sa mga mamamayan kundi naging aktibo sa mga gawaing agrikultura at industriyang pantahanan sa bayan ng Cavite. Kaisa siya ng maraming taosa mga ipinaglaban nilang karapatan. Dahil na rin sa kanyang pagtatanggol sa mga kababayan, pinaghinalaan siya na kasali sa rebulusyon na sumibol sa Cavite. Kasama sina Burgos at Zamora, si Gomez ay pinatay sa pamamagitan ng garote noong ik-28 ng Pebrero 1872