Marcelo H. Del Pilar
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
MARCELO H. DEL PILAR
“Dakilang Propagandista”
Si Marcelo H. Del Pilar ay isinilang sa Cupang, Bulacan noong Agosto 30, 1850. Bunso ng mayamang pamilya nina Don Julian del Pilar, isang ‘gobernadorcillo” at Dona Blasa Gatmaitan.
Siya ay nag-aral sa Colegio de San Jose at sa Unibersidad ng Sto. Tomas kung saan siya ay nagtapos ng abogasya noong 1880.
Noong 1882 itinatag niya ang “Diariong Tagalog” kung saan binatikos niya ang pang-aabuso ng mga pari at kalupitan ng pamahalaan. Humingi siya ng mga kaukulang pagbabago. Pinag-uusig siya ng mga kastila at noong 1888, tumakas siya patungo ng Espanya. Pagdating sa Espanya ipinagpatuloy niya ang kanyang pagsusulat. Binili niya mula kay Lopez Jaena ang “La Solidaridad” at nagging patnugot nito mula noong 1889 hanggang 1895. Dito niya isinulat ang kanyang pinakadakilang likha “La Soberania Monacal” at “La Frailocracia Filipina.” Isinulat rin nya ang “Dasalan at Tuksuhan” na tumitira sa mga mapangabusong prayle.
Ang buhay ni Del Pilar ay buhay ng pagsasakripisyo at pagtatakuwil sa sarili dahil sa pag-ibg sa inag bayan. Dahil sa kaaba-aba niyang kalagayan si Del Pilar ay nagkasakit ng tuberculosis at namatay sa isang maliit na ospital sa Barcelona noong Hulyo 4, 1896 sa gulang na 46.