Manchuria
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Manchuria (Manchu: Manju, Traditional Chinese: 滿洲, Simplified Chinese: 满洲, pinyin: Mǎnzhōu, Russian: Маньчжурия, Mongolian: Манж) ay isang pangalang historical sa pisikal na rehiyon na Hilagang Silangang Asya. Depende sa pagkakaintinde ng salita, ito ay napaparoon sa buong China, o sa pagitan ng China at Russia. Ang Manchuria ang siyang kinaroroonan ng mga Xianbei, Khitan, at Jurchen na gumaw ng maraming dinastiya sa gitna ng Manchuria at China. Dito din matatagpuan ang rehiyon ng Manchu, kung saan ang rehiyon ay ipinangalan. Sa 17th Century, naghari ang Manchu at sinakop ang China hanggang sa pagbagsak noong Dinastiyang Qing sa 1911. Ang laki ng Manchuria sa China ay higit sa 1.55 bilyong sq.km.
[baguhin] Kinasasakupan ng Manchuria
Ang Manchuria ay sumasakop sa isa sa mga rehiyon o laki. Ito ay, maliit hanggang malaki:
1. Hilagang Silangang China: Ito ay binibilang sa tatlong rehiyong Heilongjiang, Jilin at Liaoning.
2. Ang nasaad sa ibabaw, kasama ang rehiyong nasa Hilagang Silangang Mongolia.
3. Ang nasaad sa ibabaw, kasama ang rehiyon ng Jehol sa Hebei Province, tinawag itong Inner Manchuria o di kaya'y China Manchuria bilang paghahawig sa Outer Mongolia.
4. Ang nasaad sa ibabaw, kasama ang Outer Manchuria o Russian Manchuria, mga rehiyon sa Russia na sumasakop mula sa Ilog ng Amur at Ussuri hanggang sa bundok ng Stanovoy at dagat Hapon.
5. Ang nasaad sa ibabaw, kasama ang Sakhalin Oblast.