Maikling kwento
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang maikling kwento ay isang salaysay ng isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon.
[baguhin] Kahulugan
Ang maikling kwento ay isang masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, ito'y isang paggagad ng realidad. Sa maikling kwento, ang ginagagad ay iyong isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.
Isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng isang maselan at nangingibabaw na pangyayari sa buhay sa pangunahing tauhan. Itoy nag-iiwanng isang kakentalansa sa isip ng mga mambabasa, pangunahing layunin nito ay manlibang
Edgar Allan Poe "Ama ng Maikling Kuwento"
Ang maikling kwento ay anyo ng panitikan na nagsasalaysay nang tuloy-tuloy ng isang pangyayaringhango sa tunay na buhay. Ito'y may isa o ilang tauhan lamang, sumasaklaw ng maikling panahon, may isang kasukdulan at nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa isip ng mambabasa. Ang kasukdulan ang bahagi ng kwento na nagbibigay ng pinakamasidhi o pinakamataas na kapananabikan o interes sa mambabasa. Ang kakintalan o impresyon naman ang kaisipang naiiwan sa isipan ng mga mambabasa.
[baguhin] Mga Uri
1. Kwento ng Tauhan - ang inilalarawan ay mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng mambabasa. Hal. "ALOHA" ni deograsias Rosario