Lutuing Pilipino
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang lutuing Pilipino ay ang pinagsanib na lutuin ng iba’t ibang mga pangkat etniko ng Pilipinas. Naimpluwensyahan ito ng mga lutuin ng mga Bumbay, Intsik, Hapon, Kastila, at Amerikano.
Ilan sa mga popular na pagkain ay ang:
- kanin, na sinasamahan ang karamihan ng mga ulam;
- longganisa;
- litson;
- paelya;
- adobo;
- pan de sal;
- lumpya;
- turon;
- kare-kare;
- sinigang;
- sisig;
- pansit;
- halo-halo.
[baguhin] Lutuing Italyano-Pilipino
Ang lutuing pambahay ng mga pamilyang Italyano-Pilipino ay katulad ng lutuing Italyano sa iba’t ibang mga rehyon ng Italya at sa Switserland sa lahat ng aspeto maliban sa estruktura ng paghahanda. Tulad ng karaniwan sa lutuing Pilipino ngunit hindi tulad sa Italya at Switserland, hindi sinusundan ng lutuing Italyano-Pilipino ang tradisyonal pagkakasunod-sunod ng mga course (pampagana, unang course, pangalawang course, himagas). Mismong ihinahanda ang buong kakainin sa iisang course lamang, tinatawag na ulam, na maaaring sundan ng himagas. Maihahalintulad ang lutuing Italyano-Pilipino sa lutuing Italyano-Amerikano sa aspetong ito, bagaman pinangungunahan dito ng pampagana ang pangunahing course, na maaari ring sundan ng himagas.