Lina Alva
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si Lina Alva ay isang artistang Pilipino na isinilang noong 1920. Siya ay artista na bago pa ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Una siyang gumanap sa madramang pelikula tungkol sa babaeng iniwan ng asawa ang Dolores at Lihim ng Dagat-Dagatan na pawang ginawa niya sa ilalim ng Parlatone Hispano-Filipino.
Sinuportahan niya ang artistang si Dely Atay-Atayan sa pelikulang Kamoning ng Cervantina. Nagbalik siyang muli sa bakuran ng Parlatone kung saan ginawa niya ang kahuli-hulihang pelikula niya ang Puso ng Isang Filipina.
[baguhin] Pelikula
- 1938 - Dolores
- 1939 - Lihim ng Dagat-Dagatan
- 1940 - Kamoning
- 1940 - Puso ng Isang Filipina