Leyte Landing
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Mga nilalaman |
[baguhin] Pagdating ni MacArthur
Nang dumating si Gen. Douglas MacArthur sa Australia mula sa Corregidor sa utos ni US President Franklin D. Roosevelt noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay sinabi niya sa mga Pilipino, "I Shall Return". Sa ika-20 ng Oktubre, 1944 ito ay gugunitain ang ika-62 Anibersaryo ng pagdaong ni MacArthur sa bansa na tinawag ding Leyte Landing.
Ang pagdaong na ito ni MacArthur na nanguna sa isang armada ay nangyaro bago sumapit ang hatinggabi noong Oktubre 20, 1944 sa Palo, Leyte. Ang armada ay kinabibilangan ng 700 na barko na may sakay na 174,000 na mga sundalo.
[baguhin] Estatuwa
Ang larawan ni MacArthur at mga kasamahan na kinabibilangan nina Pangulong Sergio Osmena at ang noon ay Brig. General carlos P. Romulo at Gen. Richard K. Sutherland ay isinaestatuwa na sa lugar mismo kung saan siya umahon. Ito ay naging bantog at kilalang-kilala na at naging pang-akit na sa mga turista, mga dayuhan man o hindi na nagpapakuha ng larawan na katabi ng mga estatuwa.
[baguhin] Red Beach
Sa Red Beach, dumaong ang unang grupo ng mga sundalo na papasok sa kabayanan ng Palo upang palayain ito sa kamay ng mga Hapones. Si MacArthuray sumabay sa panagtlong grupo, kasama sina Sergio Osmena at Carlos P. Romulo. Lulan ng landing barge mula sa Nashville, sinundo ni MacArthur sina Osmena at Romulo sa John Land. Huminto ang landing barge nga 50 yarda ang layo mula sa pampang. Mula doon ay lumusong na sila sa tubig paahon sa dalampasigan.
[baguhin] Pagyapak sa Dalamapasigan
Pagyapak nila sa dalampasigan ay inilagay ni MacArthur ang kamay sa mga balikat ni Osmena at sinabing, Mr. Presdient, how does it feel to be home? Hindi nakasagot si Osmena na ang mga mata ay ammasa-masa dahil sa luha. Kapag nakuha na natin ang Tacloban ay isasalin ko ang pamamahala sa iyo, sabi ni MacArthur kay Osmena. Ito ay maaaring sa lalong madaling panahon kaysa sa plano.