Labanan sa Look ng Maynila
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang pagsiklab ng digmaan sa pagitan ng United States at Spain ay nag-udyok sa United States na sakupin ang Pilipinas. Ipinakita ng mga Amerikano ang kapangyarihang militar nito nang lusubin ng kanilang hukbong pandagat ang hukbo ng mga Español sa Look ng Maynila noong Mayo 1, 1898. Walang nagawa ang mga Español kundi isuko ang Pilipinas sa mga Amerikano. Upang hindi malagay sa kahihiyan ang Spain, nakipagkasundo ang United States na magkaroon ng kunwa-kunwariang labanan sa Maynila. Isinagawa ito noong Agosto 13, 1898. Inakala ng hukbo ni Aguinaldo na magkakaroon ng tunay na paglusob ang mga Amerikano laban sa mga Español kaya nag-alok siya ng tulong militar ngunit hindi ito tinanggap ng mga Amerikano. Sa pamamagitan ng kunwa-kunwariang labanang ito, ipinakita ng mga Español na lumaban ang mga hukbo nito sa abot ng kanilang makakaya at hanggang sa huling sandali.