Laban ni Simeon Ola kan Guinobatan
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Isang klasikong kwento laban sa mga Amerikano ay ang kuwento ng rebolusyonaryong si Simeon Ola ng Guinobatan, Albay. Nahirapan ang mga Amerikanong okupahin ang Albay dahil sa mga gerilya ni Ola. Uminabot sa 1500 gerilya ang yunit nila na lumulusob sa mga bayan-bayan. Si Ola ang huling Heneral na naloko ng mga Amerikano para bumaba mula sa kabukiran.
Mangilan-ngilang Bicolano ang tumulong sa mga Ameriano para pasukuin si Ola. Sinamahan pa ni Don Ramon Santos si Major Jesse Garwood sa kampo ni Ola; nagtipon pa ang mga local na elite sa Albay ng P10,000 (Gerona, 1988) na ibibigay kay Ola para sumuko ito. Laking ikinagalit ito ni Ola. Ano kaya ang interes ng grupo ni Santos at elite sa Albay at gustong-gusto nilang mawala ang mga rebolusyonaryo sa kabundukan ng Bicol? Ang giyera ng Pilipino at ng mga Amerikano ay nagresulta sa pagkawala ng $600,000.00 sa pag-eksport ng Abaca (Gerona, 1988). Hindi nakakapagtaka kung ang mayayaman ang may-ari ng mga Abacahang ito sa Bicol na gustong mahinto ang pakikipaglaban ni Ola. Ito ang dahilan kung bakit kinukumbinsi ang mga rebolusyonaryo na sumuko-nais nilang protektahan ang kanilang pang-ekonomiyang interes.
Nang "makumbinsing" (naloko, sabi ni Ola sa isang interview (Dy-Liacco, 1996)) bumaba si Ola noong Setyembre 25, 1903, ang isa sa mga nabiyayaan ay si Don Ramon Santos. Ginawang governor ng Albay si Santos (Gerona, 1988) noong 1904. Alam ng mga Amerikano na ang inilagay na gobernador, na aktibong nagpasuko kay Ola, ay maaasahang pangangalagaan ang kanilang pampulitika at pang-ekonomiyang interes sa Bicol. Halos 50 taong naghari ang mga Amerikano sa Bicol nang dumating ang mga mananakop na Hapon. Nag-aaway ang mga mayayamang kapitalistang bansa sa yaman ng mundo (perry m. calara, Kaiba News and Features).
[baguhin] Unang bahagi ng buhay
reference: Gerona, Danilo M. (1988). From epic to history: a brief introduction to Bicol History, Ateneo De Naga. Dy-Liacco, Leonor R. (1996). Sarung Dolot sa satuyang ina, J & R Printing Co., Inc. p41.