La Liga Filipina
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang itinatag na samahan ni Jose Rizal noong Hulyo 3, 1892. Binuo ito ng mga mayayaman at mahihirap na nagnanais na maputol ang pang-aapi ng mga Kastila sa mga Pilipino.
Ang pangunahing layunin nito ay mapag-isa ang Pilipinas bago ito lumaban sa puwersa ng mga Kastila sa ilalim ng isang komunal na karapatan at proteksyon. Ang unang presidente nito ay si Ambrosio Salvador.
Ito ay nagtagal lamang ng tatlong araw dahil sa naipatapon si Rizal sa Dapitan noong Hulyo 6, 1892. Nang mabuwag ang samahang ito, nahati ang sambayanang Pilipino, isang samahan na binubuo ng mga mayayaman na lumalaban sa mga Kastila at isang samahan na binubuo naman ng mga mahihirap Katipunan