Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
[baguhin] Uri ng Sayaw
- Ang sayaw na La Jota ay binubuo ng iba't-ibang klase ng sayaw na naimpluwesiya sa atin ng mga Kastila. Mayroong napakaraming uri ng sayaw na La Jota sa Pilipinas na ang pangalan ay hango sa iba't-ibang lugar sa Pilipinas batay sa pinagmulan ng sayaw.
[baguhin] Indak at Galaw
- Ang sayaw na ito ay napapalooban ng mga Kastanetang gawa sa Kawayan na nakaipit sa mga daliri. Ang karaniwnag La Jota ay isang napakabilis at napakasayang indakan mula simula hanggang sa ito'y babagal sa kalagitnaan at muling bibilis sa katapusan.