Kulangot
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang kulangot ay natuyo o tumigas na sipon, uhog, dumi o kombinasyon ng mga nabanggit. Mayroong iba't ibang estliyo ang pangungulangot ng mga tao: ang paggamit ng tissue, at daliri, at ang iba pa. Iba't iba ang pamaraan ng pagkuha nito katulad ng mga nabanggit.
[baguhin] Tissue
Ang paggamit ng tissue o toilet paper ay isang uri ng kababuyan sa pagkuha ng iyong kulangot ngunit sa kabilang dako, maaari itong magdulot ng mabuti: ito ang pagkaiwan ng tissue para maging maputi ang loob ng iyong mabaho at kadiring ilong.
Ang pagti-tissue ay masama! Mas masarap at mas mainam mangulangot na gamit ang daliri! Kaya, tayo na, mangulangot na tayo!
[baguhin] Daliri o Finger-Using
Isang kaastigan ang ipinamamalas ng mga tao sa paligid na nangungulangot na gamit ang Hintuturo o Pointer o ang ikalawang daliri. Maaari pa nilang kalkalin ang ilong, na siyang magdudulot ng pagdurugo. Isunod na natin ang paghila o ang pagsusundot ng mga masasamang elemento. Kapag ang isang tao ay hindi nakuha ang kanyang ngotkula muli niyang kakalkalin ang ilong at gagawin ang animo'y pag-alis ng sipon o pagsisingha, hanggang sa sumulpit ang kulangot sa alin mang bagay o lugar. Ngunit kung kanila itong nakuha sa ilong, tiyak na ito'y titignan at maaari pa nila itong bilugin. Kung ito daw ay masarap o mukhang malinamnam, kanila itong didilain o dili kaya'y kainin na na siyang isang kababuyan. Kapag hindi nila nais kainin, ang bolang kulangot ay ipipitik at kung saan-saan dadapo.
May iba naman na ang gamit na daliri ay ang hinliliit (ang pinakamaliit na daliri sa kamay). Makakakita kayo ng karaniwa'y lalaki na mahaba ang kuko sa hinlilit -- ang gamit nito'y pangkulangot.