Jacinto Zamora
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si Padre Jacinto Zamora ay ipinanganak sa Pandacan, Manila noong ika-14 ng Agosto taong 1835. Ang kanyang mga magulang ay sina Venancio Zamora at Hilaria del Rosario. Nag-aral siya sa Mababang Paaralan ng Pandacan. Nagtapos siya ng Batsilyer en Artes sa San Juan de Letran at nagtapos naman ng pagpapari sa Universidad ng Santo Tomas.
Naging kura paroko siya sa Marikina at sumunod sa Pasig. Pagkaraan ng ilang panahon, siya nagging pangalawang kura sa katedral ng Maynila sa Intramuros kung saan sila nagtagpo ni Padre Burgos at sumapi siya sa samahan ng Katipunan upang labanan ang pagmamalabis ng mga kastila. Sina Padre Mariano Gomez, Jose Apolonio Burgos at Jacinto Zamora ay nagging kilala bilang Gomburza – tatlong paring naging martir.
Nang maganap ang himagsikan sa Cavite noong Enero 1872, siya ay dinakip at ikinulong sa Fort Santiago. Hinatulan ng kamatayan noong ika-15 ng Pebrero at isinakatuparan ang hatol noong ika-17 ng Pebrero taong 1873 sa pamamagitan ng bitay, kasama sina Padre Burgos at Padre Gomez.
Marlet Badeo