Hippocrates
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si Hippocrates ng Kos (sulat Griyego: Ιπποκράτης; Latin: Hippocrates) (ca. 460 BCE–380 BCE) ay isang sinaunang manggagamot, at kadalasang kinikilala bilang isa sa pinakatanyag na institusyon o karakter sa medisina. Tinawag na "Ama ng Medisina", ang manggagamot na ito ay nagsanay sa "Dream Temple of Kos" at maaring naging mag-aaral ni Herodicus. Hango sa kaniyang mga sulatin ang "Corpus Hippocraticum" o "Hippocratic Writings" na tahasang nagtatakwil sa pamahiin at mahika bilang bahagi ng "medisina". Si Hippocrates rin ang sinasabing nagpasimula ng pagkilala sa medisina bilang isang sanghay ng agham. Kakaunti lamang ang mga pagkakakilala kay Hippocrates bilang tao, gayumpaman ang kaniyang mga nakamtan sa larangan ng medisina ay naitala o naisadokumento ng ilang pilosopo tulad ni Plato at Aristotle.
Ang "Hippocratic writings" ay siyang unang nagbigay ng pagpapahalaga sa karapatan ng mga pasyente na maituring ang pagkonsulta, karamdaman, paggagamot at iba pang usaping medikal bilang pribadong usapin sa pagitan ng manggagamot at ng ginagamot. Ito ay kasalukuyang at mahigpit pa ring ipinatutupad sa Estados Unidos. Halimbawa nito ay ang batas na "Health Insurance Portability and Accountability Act" o HIPAA ng Estados Unidos.
Ang "Hippocratic writings" rin ang siyang tumukoy sa "Hippocratic Oath" at iba pang "treatises". Si Hippocrates din ang nagsabing ang usaping medikal at nararapat na maitala upang maipasa at mapakinabangan ng ibang manggagamot.
[baguhin] Kilalang mga Gawa
Pinananatili ang pangalan ng mga nasa ibaba, dahil walang katiyakan na ang mga ito ay naisalin sa Wikang Tagalog o Filipino.
- Aphorisms
- Instruments Of Reduction
- Of The Epidemics
- On Airs, Waters, And Places
- On Ancient Medicine
- On Fistulae
- On Fractures
- On Hemorrhoids
- On Injuries Of The Head
- On Regimen In Acute Diseases
- On The Articulations
- On The Sacred Disease
- On The Surgery
- On Ulcers
- The Book Of Prognostics
- The Law
- The Oath