Privacy Policy Cookie Policy Terms and Conditions Hindu ng india - Wikipedia

Hindu ng india

Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.


Ang artikulong ito ay isa sa mga pahinang nangangailangan ng atensyon.
Mangyaring ito ay ituwid sa paraang nararapat.

contributed by Muryelle Cionelo of 3-Archaeology

Noon pa mang 300 B.K. ay sumilay na ang sibilisasyon sa Indus Valley sa India. Ang mga relic ng sinaunang sibilisasyong ito ay makikita pa sa Mohenjo-Daro sa Sind at Harappa sa Punjab. Ayon sa mgaq arkeolohista, ang mga taong nanirahan sa Indus Valley ay merong mataas na kultura dahil marunong sila sa matematika, enhinyero, arkitektura, pagpipinta, kultura, pamamahala, pagsusulat, at industriya. Noong 2000 B.K. pagkawala ng sibilisasyong Mohenjo-Daro at Harappa, ang mga mapuputing Aryan ang sumakop sa Indus Valley. Lahi sila ng mga puti at nagsasalita ng Sanskrit, wika ng mga Indo-Europeo. Sinakop nila ang mga kayumangging Dravidian, na noo’y naninirahan sa lambak. Marami sa mga Dravidian ay nagsitakas papuntang timog at tumigil sa Timog India.

Inokupa ng mga mananakop na Aryan ang magandang lupain ng Hilagang India at nagtatag ng iba’t ibang kaharian. Malaon, sila ay tinawag na Hindu. Sila ay masisipag na magsasaka, pastol, at matatapang na mandirigma. Sila ay mga bihasang magpapalayok, karpintero, mason, panday, at manghahabi. Nakipagkalakalan sila sa ibang bansa, kabilang ang Afhganistan, Iran, at Mesopotamia.

Mga nilalaman

[baguhin] India

Ang India ay isang subkontinenteng matatagpuan sa Timog Asya na napaliligiran ng mga bansang Bhutan at Nepal sa hilaga, Bangladesh at Myanmar sa silangan, Sri Lanka sa timog, at Pakistan sa kanluran. Ito'y may lawak na 3,185,018.83km/ 5124695.29747mi. Ito'y napahiwalay sa kabuuang Asya dahil sa Bulubundukin ng Himalayas at sa Talampas ng Tibet.

Tinatayang taong 2500 B.K nang magsimula ang unang sibilisasyon ng India sa Lambak ng Ilog Indus: ang mga lungsod ng Mohenjo-Daro sa Punjab at Harappa, sa lugar na ngayon ay Pakistan. Pinaniniwalaang naging maunlad ang pamumuhay ng mga taong nanirahan sa dalwang nabanggit na lungsod kung ibabatay sa mga nahukay na labi noong 1920.

May kaalaman na sa arkitektura ang mga tao sa Harappa at Mohenjo-Daro. Mapapatunayan ito sa nakitang kaayusan sa mga kalsada. Iba-iba rin ang mga sukat ng mga natagpuang bahay na kadalasa'y may dalawang palapag at binubuo ng kusina, salas, kwarto, at paliguan. May mga nahukay rin ditong upuang gawa sa kahoy na napapalamutian ng mga abaloryo.

Ang mga Harappan ay tinatayang isa sa mga naunang taong natutuong gumawa ng telang yari sa bulak. Nagtanim sila ng palay at iba pang bungangkahoy at natutong mag-alaga ng mga hayop kagaya ng aso, pusa, tupa, kambing, at elepante. Natagpuan din sa lungsod ng Harappa ang mga selyong ginamit bilang tanda ng iba't ibang itinitinda kaya't hinihinalang magagaling na mangangalakal ang mga mamamayan dito.

Ang lahat ng mga nabanggit ay mga pagpapatunay na naging maunlad ang sibilisasyong Mohenjo-Daro at Harappa subalit ang pagwawakas at ang paglaho ng dalawang lungsod ay nananatiling mahiwaga para sa mga mananaliksik. May mga palagay na ang pagbaha ng Ilog Ganges at ang paiba-ibang klima sa Lambak ng Indus ay ilan sa mga dahilan kung bakit nawala ang Sibilisasyong HIndu. May mga haka-haka ring ang paglusob ng mga Aryan sa dalawang lungsod ay isa ring positi dahilan ng pagkawala ng Sibilisasyong Hindu.

[baguhin] Relihiyon

[baguhin] Hinduismo

Isang milenyo bago dumating si Kristo, nabuo ang relihiyong Hinduismo. Ang pangunahing diyos ng Hinduismo ay si Brahma, ang “Kaluluwa ng Daigdig”. Naniniwala ang mga Hindu na maaabot ng tao ang tunay na kaligayahan kung ang kanyang kaluluwa ay sasanib kay Brahma. Ang isang nakakaaliw na paniniwala ng Hinduismo ay ang paglipat ng kaluluwa sa panibagong buhay, o ang reincarnation o reinkarnasyon. Ayon sa paniniwalang ito, ang kaluluwa ng mabuting tao ay ipinanganganak muli sa isang tao na may mas mataas na antas, samantalang ang isang masamang tao ay ipinanganganak muli sa isang mas mababang nilalang, gaya ng aso, baboy, o tigre. Pagkalipas ng pagsasalin ng pagsilang at kamatayan, ang kaluluwa ng mabuting tao ay ginagantimpalaan sa pamamagitan ng pagsanib sa kaluluwa ni Brahma.

Ang kilalang trinidad ng mga diyos ng Hindu ay si Brahma ang Manlilikha, Vishnu ang Tagapangalaga, at Shiva ang Tagawasak. Ang iba pang diyos-diyosan ay sina Agni, diyos ng apoy; Indra, diyos ng bagyo; Ganesha, diyos ng elepante; Laksmi, diyosa ng magandang kapalaran; at Vasanti, diyosa ng kaligayahan o kasayahan. Lahat-lahat, ang mga Hindu ay merong humigit-kumulang sa 300 milyong diyus-diyosan, na kung tawagin ay teokratik.

Ang caste system ay bahagi ng Hinduismo. Ang mga tao ay hinati sa mga antas o caste, gaya ng: (1) Brahma(pari at mga iskolar), (2) Kshatriyas(maharlika at mandirigma), (3)Vaishyas (magsasaka, mangangalakal at manggagawa), at (4)Sudras (manggagawa at alipin). Ang nasa mataas na antas ay hindi pinapayagang mag-asawa o mamuhay kasama ng nasa mababang caste. Ang mga di kabilang sa anumang caste ay mga patapon, itinatawag na “untouchables”. Napakahirap ng kanilang buhay sa kanilang sariling mga nayon at lungsod. Sila ang gumagawa ng pinakamababang trabaho. Hindi sila pinababayaang gumamit ng mga pampublikong paliguan, pumasok sa mga templo, o kumain sa mga pampublikong kainan dahil ang paghipo lamang sa isang “untouchable” ay pinaniniwalaang marumi para sa isang may caste.

[baguhin] Buddhismo

Nang ika-16 na siglo B.K., isang bagong relihiyon, ang Buddhismo, ay itinatag ni Gautama Buddha sa Indian Peninsula na naging isang pangunahing relihiyon ng daigdig. Siya ay isang mayamang prinsipeng Hindu na naantig sa sobrang paghihirap ng masa. Ayaw na ayaw niya sa paniniwala ng mga Hindu sa caste o karma na hinahatulan ang isang tao sa isang mataas na antas habambuhay. Naniniwala siyang mas dapat tulungan ang mga mahihirap. Tinalikdan niya ang kanyang mayamang palasyo at marangyang buhay upang maging isang ermitanyo. Pagkatapos ng mahabang meditasyon, nagsimula siyang magturo ng isang bagong relihiyon at siya'y tinawag na Buddha o "ang Naliwanagan". Itinuro niya na lahat ng tao ay makaaalam ng katotohanan at makakaabot ng ganap na kaligayahan anuman ang caste.

Itinuro ni Buddha ang apat na "Marangal na Katotohanan," gaya ng: (1) ang buhay ng tao ay batbat ng paghihirap; (2)ang paghihirap ng tao ay bunga ng kanyang pansariling pagnanasa; (3)mawawakasan ng tao ang kanyang paghihirap sa pamamagitan ng pagsupil sa kanyang pansariling pagnanasa; at (4) matapos masupil ang sariling pagnanasa, nararating ng tao ang tunay na nirvana (ganap na kaligayahan). Upang marating ang nirvana dapat sundin ng tao ang "Waluhang Daan" na binubuo ng (1) tamang paniniwala; (2) tamang adhikain; (3) tamang pananalita; (4) tamang pag-uugali; (5) tamang paghahanap-buhay; (6) tamang pagsisikap; (7) tamang pag-alaala; at (8) tamang meditasyon.

[baguhin] Kontribusyon ng India sa Sibilisasyon

Ang India ay duyan din ng sibilisasyon at isa sa pinakadakilang imbakan ng sining, panitikan, relihiyon, at siyensiya. Ilan sa mga kontribusyon ng India ay:

[baguhin] Relihiyon

Ang pinakaunang kontribusyon ng India ay ang pagbibigay sa daigdig ng apat na relihiyon —— Hinduismo, Buddhismo, Sikhismo, at Jainismo. Ang Hinduismo ang pinakamatandang organisadong relihiyon at may 463 milyong tagasunod, karamihan ay sa Indian Subcontinent. Ito ang piangmulan ng maraming modernong kultong relihiyon tulad ng transcendental maditation (tm) ng Maharishi Mahesh Yogi, ang grupong Ramakrishna, theosophy, ang Jag Guru, at iba pa. Ang Buddhismo ay mayroong 247 milyong tagasunod sa buong mundo. Ang Sikhismo ay relihiyon ng 16 milyong Hindu, marami sa kanila ay nangibambayan sa Britanya at sa ibang bansa. Ang mga lalaking Sikh ay mahaba ang balbas at nakasuot ng turban. Ito ay pinaghalong relihiyon ng Hindu at Islam. Ang Jainismo ay may 12 milyong tagasunod sa INdia. Naniniwala sila sa kabanalan ng buhay, pati ang mga halaman at hayop. Ang relihiyong ito ang nagturo ng paniniwala gaya ng vegetarianism(pagkain ng gulay lamang), yoga, karma, at reincarnation.

[baguhin] Pilosopiya

Ang ikalawang kontribusyon ng India ay ang pagpapaunlad ng pilosopiya ng India kaysa sa Kanluran. Bago pa ang mga Greek at Romans, ang mga pilosoper ng India ay nagtatag na ng maraming sistemang pilosopikal, kabilang ang yoga, ang disiplina ng isip at katawan sa pamamagitan ng espirituwal na pagsasanay.

[baguhin] Panitikan

Ang ikatlong kontribusyon ng India ay ang pagpapayaman ng India sa kanilang pandaigdig na panitikan sa pamamagitan ng pagbibigay ng unang pabula (Panchatantra), unang dulang epiko (The Clay Cart ni Sudakra at Sakuntala ni Kalidasa), ang dakilang tulang epiko (Mahabharata at Ramayana), at ang dakilang pilosopikang tula ng daigdig(Bhagavad Gita).

[baguhin] Musika, Sining, at Arkitektura

Ang musika, sining, at arkitektura ng India ay kilala sa buong mundo, at ang ikaapat nilang kontribusyon sa daigdig. Ang klasikal na musikang Indian ay nakaimpluwensya sa kanluraning rock music ng The Beatles at iba pang grupong pop. Ang sining ng INdia ay nagtatanghal ng mga kasaysayan ng pag-ibig ng kanilang mga diyos na siyang kauna-unahang halimbawa ng malalaswang palabas. Sa arkitektura, ibinigay ng India sa daigdig ang Taj Mahal sa Agra, ang mga palasyo ng mga Mogul sa New Delhi, at ang Kailasha Temple sa Hyderabad. Ang mga klasikong gawang-kamay ng India sa tela, kahoy, metal, ivory, at katad ay hinahanap sa buong mundo.

[baguhin] Matematika

Ang panghuling kontribusyon ng India ay ang pagimbento sa zero at ng mga numeral sa matematika. Di naglaon, ginamit din ng mga Arab ang mga numeral at pinalaganap sa Kanluran, kaya ito ay nakilala bilang Arabic numerals. Pero ang dapat na itawag rito ay Indian numerals dahil nagmula ang mga numeral na ito sa India. Ang mga unang aklat sa aritmetika at algebra ay sinulat din ng mga matematikong Indian.

Static Wikipedia (no images)

aa - ab - af - ak - als - am - an - ang - ar - arc - as - ast - av - ay - az - ba - bar - bat_smg - bcl - be - be_x_old - bg - bh - bi - bm - bn - bo - bpy - br - bs - bug - bxr - ca - cbk_zam - cdo - ce - ceb - ch - cho - chr - chy - co - cr - crh - cs - csb - cu - cv - cy - da - de - diq - dsb - dv - dz - ee - el - eml - en - eo - es - et - eu - ext - fa - ff - fi - fiu_vro - fj - fo - fr - frp - fur - fy - ga - gan - gd - gl - glk - gn - got - gu - gv - ha - hak - haw - he - hi - hif - ho - hr - hsb - ht - hu - hy - hz - ia - id - ie - ig - ii - ik - ilo - io - is - it - iu - ja - jbo - jv - ka - kaa - kab - kg - ki - kj - kk - kl - km - kn - ko - kr - ks - ksh - ku - kv - kw - ky - la - lad - lb - lbe - lg - li - lij - lmo - ln - lo - lt - lv - map_bms - mdf - mg - mh - mi - mk - ml - mn - mo - mr - mt - mus - my - myv - mzn - na - nah - nap - nds - nds_nl - ne - new - ng - nl - nn - no - nov - nrm - nv - ny - oc - om - or - os - pa - pag - pam - pap - pdc - pi - pih - pl - pms - ps - pt - qu - quality - rm - rmy - rn - ro - roa_rup - roa_tara - ru - rw - sa - sah - sc - scn - sco - sd - se - sg - sh - si - simple - sk - sl - sm - sn - so - sr - srn - ss - st - stq - su - sv - sw - szl - ta - te - tet - tg - th - ti - tk - tl - tlh - tn - to - tpi - tr - ts - tt - tum - tw - ty - udm - ug - uk - ur - uz - ve - vec - vi - vls - vo - wa - war - wo - wuu - xal - xh - yi - yo - za - zea - zh - zh_classical - zh_min_nan - zh_yue - zu -

Static Wikipedia 2007 (no images)

aa - ab - af - ak - als - am - an - ang - ar - arc - as - ast - av - ay - az - ba - bar - bat_smg - bcl - be - be_x_old - bg - bh - bi - bm - bn - bo - bpy - br - bs - bug - bxr - ca - cbk_zam - cdo - ce - ceb - ch - cho - chr - chy - co - cr - crh - cs - csb - cu - cv - cy - da - de - diq - dsb - dv - dz - ee - el - eml - en - eo - es - et - eu - ext - fa - ff - fi - fiu_vro - fj - fo - fr - frp - fur - fy - ga - gan - gd - gl - glk - gn - got - gu - gv - ha - hak - haw - he - hi - hif - ho - hr - hsb - ht - hu - hy - hz - ia - id - ie - ig - ii - ik - ilo - io - is - it - iu - ja - jbo - jv - ka - kaa - kab - kg - ki - kj - kk - kl - km - kn - ko - kr - ks - ksh - ku - kv - kw - ky - la - lad - lb - lbe - lg - li - lij - lmo - ln - lo - lt - lv - map_bms - mdf - mg - mh - mi - mk - ml - mn - mo - mr - mt - mus - my - myv - mzn - na - nah - nap - nds - nds_nl - ne - new - ng - nl - nn - no - nov - nrm - nv - ny - oc - om - or - os - pa - pag - pam - pap - pdc - pi - pih - pl - pms - ps - pt - qu - quality - rm - rmy - rn - ro - roa_rup - roa_tara - ru - rw - sa - sah - sc - scn - sco - sd - se - sg - sh - si - simple - sk - sl - sm - sn - so - sr - srn - ss - st - stq - su - sv - sw - szl - ta - te - tet - tg - th - ti - tk - tl - tlh - tn - to - tpi - tr - ts - tt - tum - tw - ty - udm - ug - uk - ur - uz - ve - vec - vi - vls - vo - wa - war - wo - wuu - xal - xh - yi - yo - za - zea - zh - zh_classical - zh_min_nan - zh_yue - zu -

Static Wikipedia 2006 (no images)

aa - ab - af - ak - als - am - an - ang - ar - arc - as - ast - av - ay - az - ba - bar - bat_smg - bcl - be - be_x_old - bg - bh - bi - bm - bn - bo - bpy - br - bs - bug - bxr - ca - cbk_zam - cdo - ce - ceb - ch - cho - chr - chy - co - cr - crh - cs - csb - cu - cv - cy - da - de - diq - dsb - dv - dz - ee - el - eml - eo - es - et - eu - ext - fa - ff - fi - fiu_vro - fj - fo - fr - frp - fur - fy - ga - gan - gd - gl - glk - gn - got - gu - gv - ha - hak - haw - he - hi - hif - ho - hr - hsb - ht - hu - hy - hz - ia - id - ie - ig - ii - ik - ilo - io - is - it - iu - ja - jbo - jv - ka - kaa - kab - kg - ki - kj - kk - kl - km - kn - ko - kr - ks - ksh - ku - kv - kw - ky - la - lad - lb - lbe - lg - li - lij - lmo - ln - lo - lt - lv - map_bms - mdf - mg - mh - mi - mk - ml - mn - mo - mr - mt - mus - my - myv - mzn - na - nah - nap - nds - nds_nl - ne - new - ng - nl - nn - no - nov - nrm - nv - ny - oc - om - or - os - pa - pag - pam - pap - pdc - pi - pih - pl - pms - ps - pt - qu - quality - rm - rmy - rn - ro - roa_rup - roa_tara - ru - rw - sa - sah - sc - scn - sco - sd - se - sg - sh - si - simple - sk - sl - sm - sn - so - sr - srn - ss - st - stq - su - sv - sw - szl - ta - te - tet - tg - th - ti - tk - tl - tlh - tn - to - tpi - tr - ts - tt - tum - tw - ty - udm - ug - uk - ur - uz - ve - vec - vi - vls - vo - wa - war - wo - wuu - xal - xh - yi - yo - za - zea - zh - zh_classical - zh_min_nan - zh_yue - zu

Static Wikipedia February 2008 (no images)

aa - ab - af - ak - als - am - an - ang - ar - arc - as - ast - av - ay - az - ba - bar - bat_smg - bcl - be - be_x_old - bg - bh - bi - bm - bn - bo - bpy - br - bs - bug - bxr - ca - cbk_zam - cdo - ce - ceb - ch - cho - chr - chy - co - cr - crh - cs - csb - cu - cv - cy - da - de - diq - dsb - dv - dz - ee - el - eml - en - eo - es - et - eu - ext - fa - ff - fi - fiu_vro - fj - fo - fr - frp - fur - fy - ga - gan - gd - gl - glk - gn - got - gu - gv - ha - hak - haw - he - hi - hif - ho - hr - hsb - ht - hu - hy - hz - ia - id - ie - ig - ii - ik - ilo - io - is - it - iu - ja - jbo - jv - ka - kaa - kab - kg - ki - kj - kk - kl - km - kn - ko - kr - ks - ksh - ku - kv - kw - ky - la - lad - lb - lbe - lg - li - lij - lmo - ln - lo - lt - lv - map_bms - mdf - mg - mh - mi - mk - ml - mn - mo - mr - mt - mus - my - myv - mzn - na - nah - nap - nds - nds_nl - ne - new - ng - nl - nn - no - nov - nrm - nv - ny - oc - om - or - os - pa - pag - pam - pap - pdc - pi - pih - pl - pms - ps - pt - qu - quality - rm - rmy - rn - ro - roa_rup - roa_tara - ru - rw - sa - sah - sc - scn - sco - sd - se - sg - sh - si - simple - sk - sl - sm - sn - so - sr - srn - ss - st - stq - su - sv - sw - szl - ta - te - tet - tg - th - ti - tk - tl - tlh - tn - to - tpi - tr - ts - tt - tum - tw - ty - udm - ug - uk - ur - uz - ve - vec - vi - vls - vo - wa - war - wo - wuu - xal - xh - yi - yo - za - zea - zh - zh_classical - zh_min_nan - zh_yue - zu