Hilagang Amerika
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Hilagang America ay isang kontinente sa hilagang hemisperyo ng Daigdig at halos na nasa kanlurang hemisperyo. Napapaligiran ito ng Karagatang Artiko sa hilaga, Hilagang Karagatang Atlantiko sa silangan, Dagat Caribbean sa timog-silangan, at Hilagang Karagatang Pasipiko sa timog at kanluran. Nasa 24,500,000 km² (9,460,000 sq mi) ang sakop nito, o nasa 4.8% ng ibabaw na bahagi ng planeta. Noong Hulyo 2002, tinatayang mahigit sa 514,600,000 ang populasyon nito. Ang Hilagang Amerika ang ikatlo sa pinakamalaking kontinente ayon sa sakop, pagkatapos ng Asya at Aprika, at ika-apat na pinakamalaki ayon sa populasyon, pagkatapos ng Asya, Aprika at Europa.