Gregorio del Pilar
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
- Para sa munisipalidad sa Pilipinas, tingnan ang Gregorio Del Pilar, Ilocos Sur.
Si Gregorio del Pilar ay isa sa mga pinakabatang heneral ng Digmaang Pilipino-Amerikano. Noong 24 gulang pa lamang siya, pinamunuaan niya ang 60 Filipino sa Tirad Pass laban sa “Texas Regiment”, ang 33rd Infantry of the United States Volunteers.
GREGORIO DEL PILAR “Ang Bayani ng Pasong Tirad”
Si Gregorio Del Pilar ay isinilang sa Bulacan, Bulacan noong Nobyembre 14, 1875 kina Fernando Del Pilar at Felipa Sempio.
Noong 1880 si Del Pilar ay nag-aral sa Ateneo at natira sa Bahay ng kanyang tiyo na si Deodato Arellano kung saan sinasabing itinatag ang Katipunan. Sa murang isipan ni Del Pilar natimo ang Gawain ng Katipunan kung saan ginagampanan niya ang mapanganib na mensahero ng mga propagandista. Noong Marso 1896 nagtapos siya sa Ateneo, binalak niyang magturo subalit sumiklab ang Himagsikan.
Sumanib siya sa tropa ni Col. Vicente Enriquez kung saan napalaban siya sa Kakaron de Sili at bunga ng magiting na pagtatanggol siya ay nahirang bilang tinyente. Ang pagsalakay niya sa Paombong ang nagpatanyag sa kanya. Napahanga niya si Aguinaldo at itinaas siya bilang tinyenta koronel. Pinangunahan ni Del Pilar ang labanan sa Bulacan kung saan pinalaya niya ang lalawigang ito. Nang mamatay si Hen. Antonio Luna si Del Pilar ay humalili sa maliit na hukbo ni Aguinaldo. Tinugis sila ng mga Amerikano sa Pasong Tirad, nagpaiwan siay upang abangan ang mga kaaway upang makatakas si Aguinaldo.
Noong Disyembre 2, 1899 si Del Pilar at ilang mga tauhan ay napatay habang magiting sa ipinagtatanggol ang Daang Tirad.