Global warming
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang pag-init ng mundo ay tumutukoy sa naranasang pagtaas ng katamtamang temperatura ng himpapawid at mga karagatan sa mundo nitong mga nakaraang dekada.
Tumaas ng 0.6 ± 0.2 °Celsius (1.1 ± 0.4 ° Fahrenheit) sa loob ng ika-20 daangtaon ang katamtamang pandaidigang temperatura (average world temperature). Ayon sa siyentipikong opinyon sa pagbabago ng klima, “ang naranasang pag-init nitong huling 50 taon ay gawa ng tao” [1]. Ang pagtaas ng antas ng carbon dioxide at iba pang mga greenhouse gases (GHGs) na resulta ng pagsunog ng produkto mula sa petrolyong langis (fossil fuels), pagpapanot ng kagubatan, pagsasaka, at iba pang kagagawan ng tao ang mga pangunahing sanhi ng pag-init ng mundo. Nagpapakita sa mga pagmamatyag na pag-aaral at ng mga modelong pangklima na ang pagka-sensitibo ng klima upang madoble ang antas ng CO2 ay mangyayari kapag tumaas ng 1.5-4.5 °C ang katamtamang temperatura. Ang mga modelong basihan ng Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC) ay humuhula na ang pandaigdigang temperatura ay tataas sa pagitan ng 1.4 at 5.8 °C (2.5 hanggang 10.5 °F) mula taong 1990 hanggang 2100. Walang katiyakan ang lawak nito dahil sa kahirapang mahulaan ang dami ng pagpapalabas ng carbon dioxide sa darating na panahon. Wala ring katiyakan tungkol sa pagka-sensitibo ng klima.
Sinasabing ang pagtaas sa pandaigdigang temperatura ay magdudulot ng malaking pagbabago kasama rito ang pagtaas ng karaniwang taas ng dagat (pantay laot) at pagbabago sa dami at padron ng mga pag-ulan. Ang mga pagbabagong ito ay sinasabing magpaparami sa dalas at lakas ng mga mapanirang kalagayan ng panahon tulad ng baha, tag-tuyot, bugso ng init (heat waves), bagyo at buhawi. Sinasabing ang pag-init ay makaaapekto sa bilang at tindi ng mga ito, Mahirap na iakibat ito sa partikular na kalagayan ng panahon sa pag-init ng mundo. Gayunman, ang mga pag-aaral ay nakatuon sa panahon hanggang taong 2100 na ang pag-init (at pagtaas ng pantay laot mula sa pag-aalsang dulot ng init) ay patuloy na mangyayari dahil sa ang CO2 ay may mahabang buhay sa himpapawid. [2].
May maliit na bilang na mga siyentipiko ang laban sa pananaw na ang gawa ng tao ang nagdudulot ng malaki sa pagtaas sa temperatura nitong nakaraang panahon. Gayundin, walang katiyakan ang nakapalibot rito kung gaanong kalaking pagbabago sa panahon ang makikita sa darating na araw. May mainit na debateng politikal at publiko kung paano mapabababa o mababaliktad ang pag-init sa darating na panahon at kung paano haharapin ang mga bunga nito.
Ang katagang “global warming” (pag-init ng mundo) ay isang tiyak na dulot ng mas malawak na katagang “climate change’ (pagbabago sa klima) (na tumutukoy din sa paglamig tulad ng nangyari noong Edad Yelo). Sa prinsipyo nito, nyutral ang global warming sa dahilan nito ngunit sa karaniwang gamit, kalimitang pinahihiwatig na may papel ang tao sa pag-init ng mundo. Gayunman, ginagamit ang ‘climate change’ ng UNFCCC sa pagbabagong gawa ng tao, at ‘climate variability’ (pabago-bago ng klima) na dulot ng ibang kadahilanan [3]. Ang ilang organisasyon ay gumagamit ng katagang 'anthropogenic climate change' sa pagbabagong dulot ng tao.
[baguhin] Ang pag-init ng mundo sa kasaysayan nito
Kumpara sa mga taon mula 1860–1900, ang temperatura ng mundo sa katihan (lupa) at karagatan ay tumaas ng 0.75 °C. Mula noong 1979, ang temperatura sa katihan ay tumaas ng halos dalawang beses kaysa temperatura ng karagatan (0.25 °C/dekada kontra sa 0.13 °C/dekada (Smith, 2005)). Tumaas sa pagitan ng 0.12 at 0.22 °C bawat dekada ang temperatura sa kababaang tropospero mula 1979. Pinaniniwalaang panatag ang temperatura ng mundo nang mahigit isa o dalawang libong taon bago 1850 na may ilang lokal na pagbabago tulad ng Mainit na Panahong Midyebal o kaya’y Maliit na Edad Yelo.
Ayon sa tayá ng Goddard Institute for Space Studies ng NASA, 2005 ang pinakamainit na taon nang magkaroon ng mga matatatag na instrumentong paniktik sa mundo mula dakong huli ng mga taong 1800. Nataasan nito ang nakaraang rekord na itinala noong 1998 nang may ilang daang bahagi ng isang degree Celsius. Ang kamukhang pagtayá na ginawa ng World Meteorological Organization at ng UK Climatic Research Unit ang nagpasiya na ang 2005 ay ikalawa lamang sa pinakamaiit na taon matapos ang 1998. [4]. May mahabang perspektiba ang masusumpungan mula sa maraming proxy (di tuwiran) records nang nakaraang milenyo. Pinakamalinaw na pagtatalâ ng nakaraang 50 taon na naguulat ng pagbabago sa klima nitong kamakailan dahil napakadetalye ang mga datos. Ang sukat sa temperatura mula sa mga satellite ng tropospera ay sinimulan noong 1979. Depende sa panahong tinitingnan, may ilang rekord ng temperatura ang masusumpungan. Base ito sa iba’t-ibang set ng data, iba’t-ibang antas ng katamaan at reliabilidad. Ang rekord sa pangmundong instrumento sa temperatura ay sinasabing nagsimula noong mga 1860; nang sinasabing ang kontaminasyon mula sa init ng mga lungsod ay maliit pa.
[baguhin] Mga Kadahilanan
Ang sistema sa klima ay pabago-bago sa pamamagitan ng mga prosesong “pangloob” gayundin sa tugon sa pabago-bagong panglabas na pwersang gawa at di-gawa ng tao kasama ang pagkilos ng araw, pagputok ng mga bulkan, at ng greenhouse gases. Tanggap ng maraming klimatologo na kamakailan lamang uminit ang mundo ngunit ang sanhi ng pagbabagong ito ay kontrobersyal lalo na sa labas ng komunidad ng mga siyentipiko.
Ang pagdaragdag ng carbon dioxide (CO2) o methane (CH4) sa himpapawid ng mundo nang walang ibang pagbabago ay makapagpapainit sa balat ng ating planeta. Lumilikha ang mga greenhouse gases ng likas na greenhouse effect na kung wala nito tinatayang ang temperatura sa mundo ay mas mababa ng 30 °C at hindi matitirahan. Kaya sinasabing hindi tama na may debate sa pagitan ng “naniniwala” at “laban” sa hinua na ang pagdaragdang ng carbon dioxide o CH4 sa himpapawid ng mundo ay magbubunga ng mainit na temperatura sa balat ng lupa kung walang magpapabuti ng epekto nito. Ang debate ay tungkol sa netong epekto sa pagdaragdag pa ng carbon dioxide at CH4 sa himpapawid.
Sinasabing ang kasalukuyang klima ng mundo ay wala sa kapanatagan (ekilibryo) kasama ang pagpwersang dulot ng pagtaas ng mga greenhouse gases dahil sa inersyang termal ng mga karagatan at mabagal na pagtugon ng ibang di tuwirang mga epekto. Ang mga masusing pag-aaral sa klima ay nagpapakita na iinit pa rin ito ng 0.5 °C to 1.0 °C kahit mapanatag ang mga greenhouse gases. Ang mga greenhouse gases sa himpapawid
Ang mga greenhouse gases ay lagos-lagusan sa short wave radiation (maiksing ondang radyasyon) na mula sa araw. Subalit, sinisipsip nito ang ilang mahahabang onda ng radyasyong infra-red mula sa lupa na lubhang na nagpapahirap sa mundo na mapalamig ito.
Tinatayang tumaas ng 31% at 149% ang konsentrasyong panghimpapawid ng carbon dioxide at methane kumpara sa antas bago naging industriyal ang mundo noong 1750. Sinasabing mas mataas ito kaysa alinmang panahon nitong huling 650,000 taon, kung saan may matibay na ebidensya mula sa mga ice cores (sample ng yelo na kinuha ng pabarena). Mula sa hindi tuwirang ebidensyang heolohika, pinaniniwalaang ang ganitong kataas na dami ng carbon dioxide ay nangyari 40 milyong taon ang nakaraan. Ang tatlo sa apat na bahagi ng mga emisyong dulot ng tao (antropoheniko) ng carbon dioxide sa himpapawid nitong nakaraang 20 taon ay dulot ng pagsunog ng mga produktong petrolyong (fossil fuel). Ang tira ay pinangungunahan ng pagbabago sa paggamit ng lupa lalo na ng pagpanot ng kagubatan [5].
Ang pinakamahabang pagsukat instrumental ng ratio ng paghahalo ng carbon dioxide sa himpapawid ay nagsimula noong 1958 sa Mauna Loa, Hawaii. Mula noon, ang katamtamang (average) taunang halaga nito ay tumaas mula 315 ppmv na ipinakikita ng Keeling Curve. Ang konsentrasyon ay umabot ng 376 ppmv noong 2003. Ang Timoging Polo (South Pole) ay nagpakita rin ng kamukhang pagtaas. [6]. Ang buwanang pagsukat ay nagpapakita ng maliit na panapanahong osilasyon. Ang methane (metano) ay gawang biyolohika at emisyon mula sa mga tubo ng petrolyong gas. Ang ilang biyolohikang pinanggagalingan ay natural tulad ng anay at ang iba ay dulot ng aktibidad ng tao tulad ng pagsasaka, e.g. palayang bukid [7]. Sinasabi ng ebidensya na nasumpungan kamakailan lamang na ang mga kagubatan ay maaaring pinanggagalingan din nito (RC; BBC). Tandaan na ito ay kontribusyon sa natural (likas) na greenhouse effect at hindi greenhouse effect na dulot ng tao (Ealert).
Inaasahang patuloy ang pagtaas ng carbon dioxide dahil sa patuloy na paggamit ng mga produkton petrolyo. Ang direksyon nito ay hindi segurado at depende sa lagay ekonomiko, panglipunan, teknolohikal at natural na pag-unlad ng tao. Ang espesyal ng report sa emisyon ng IPCC ay nagpapakita ng malawak na pagtaas ng carbon dioxide sa hinaharap mula 541 hanggang 970 parts per million (bahagi ng isang milyon) pagdating ng 2100.
Ang pagpapalabas ng CO2 na dulot ng tao mula sa pagsunog ng produktong petrolyo – ipinakikita ang abuloy sa kabuuang pagpapalabas ng CO2 , 1990. Batayan: UNFCCC
Sa buong mundo, ang karamihan ng emisyon ng greenhouse gas na dulot ng tao ay mula sa pagsunog ng petrolyong langis. Ang tira ay sinasabing mula sa mga “puganteng petrolyo” (petrolyong singaw sa produksyon at paguusad ng produktong petrolyo), emisyon ng mga prosesong industriyal (di kasama ang pagsunog ng petrolyo), at ng sakahan: magkakahiwalay nagdulot sila ng 5.8%, 5.2% at 3.3% noong 1990. Malawak na maikukumpara ang kasalukuyang datos rito [9]. Halos 17% ng singaw ay dulot ng pagsunog ng petrolyo sa paggawa ng koryente. Isang maliit na porsyento ng singaw ang dulot ng kalikasan at biyolohikang dulot ng tao na kung saan halos 6.3% ay methane at nitrous oxide na galing sa sakahan.
Ang positibong ganting epekto tulad ng inaasahang pagsingaw ng halos ng 70,000 milyong tonelada ng methane mula sa permafrost peat bogs sa Siberia, na nagsimula nang matunaw dahil sa pagtaas ng temperatura ay maaaring magdulot ng malaking dagdag na pagkukunan ng singaw ng greenhouse gas. [10]. Tandaan na ang emisyong dulot ng tao ng iba pang lasong pampaligid – bantog dito ang aerosol ng sulfate (sulfato) – ay may pampalamig na epekto. Maaring nagpapakita ito sa papatag/palamig na nakita sa talâ ng temperatura sa gitna ng siglo 20 [11] na maari ring dulot ng pagtitimping dulot ng kalikasan.
[baguhin] Mga Alternatibong Hinua
Maraming alternatibong hinua ang iminungkahi upang ipaliwanag ang namatyagang pagtaas sa pandaigdigang temperatura kasama rito ngunit di limitado ang mga sumusunod: • Ang pag-init ay nasa loob ng lawak ng likas na pagbabago.
• Ang pag-init ay resulta ng pagluwal mula sa nakaraang panahong kalamigan - ang Maliit ng Edad Yelo.
• Ang pag-init ay resulta ng pagbabago sa sikat ng araw.
Sa kasalukuyan, maliit ang suporta rito sa loob ng komunidad ng mga siyentipiko sa panahon bilang dahilan sa pag-init kamakailan. Hinua sa pagbabago sa araw
Dalawampung taon palabas ng araw
Sa mga pag-aaral ng modelo na inilathala sa IPCC Third Assessment Report (TAR) ay hindi nagpakita ng pagbabago sa pagpwersa ng araw ay kinakailangan upang ipaliwanag ang rekord ng panahon nitong 4 o 5 dekada. [12]. Ang pag-aaral na ang pwersa ng bulkan at araw ay maaring nagdulot sa kalahati ng pagbabago ng temperatura bago 1950. Subalit ang netong epekto ng mga pwersang ito ay sinasabing neutral mula noon [13]. Partikular rito sinasabing ang pagbabago sa pagpwersa sa panahon mula sa mga greehouse gases mula 1750 ay tinatayang 8 beses na mas malaki kaysa sa pagbabago sa pagpwersa na dulot ng pagtaas ng aktibidad ng araw nang parehong panahon. [14]. Mula nang ilathala ang TAR, maraming pag-aaral (Lean et al., 2002, Wang et al., 2005) ang nagmungkahi na ang mga pagbabago sa sikat mula pa ng panahon bago panahong industriyal ay maliit ng 3-4 ng ulit sa rekonstruksyong ginamit sa TAR (e.g. Hoyt and Schatten, 1993, Lean, 2000.). Itinayá ni Stott et al. [15] na ang pwersa mula sa araw ay 16% o 36% ng pag-init mula sa greenhouse gases. Sa kalahatan, ang makaagham na antas sa pagkaunawa sa pababago sa sikat ng araw ay sinasabing napakababa [16].
Gayunman, may ilang mananaliksisik (e.g. [17]) ang nagmungkahi na ang tugon mula sa ulap o ibang proseso ay nagpapabuti sa direktong epekto ng pagbabago ng araw. Nasumpungan ni Solanki, et al (2004) na ang aktibidad ng araw nitong huling 60 hanggang 70 taon ay nasa kanyang pinakamataas na nibel sa 8,000 taon. Di naman ayon si Muscheler et al na nakasumpong ng kamukhang mataas ng nibel ng aktibidad nang nakaraan [18]. Iniiulat ni Solanki ng ang nakaraang ugali ng araw ay nagpapahiwatig na may 8% lamang ng probabilidad na ang kasalukuyang panahon ng mataas na aktibidad ay aabot ng 50 taon.
[baguhin] Mga Hulang Magiging Dulot
Marami at iba’t-iba ang hulang magiging dulot ng pag-init ng mundo sa kapaligiran at sa buhay ng tao. Kasama rito ang pagtaas ng katamtamang pantay laot, dulot sa sakahan, paghupa ng ozone layer, pagtindi at pagdalas ng mga matitinding klima (extreme weather events), at pagkalat ng sakit. Sa ilang kaso, ang epekto ay maaring naririto na ngunit imposibleng ituro ang ugat nito sa isang tiyak na likas na kababalaghan na sanhi sa pag-init ng mundo. Isa rito na pinagdedebatihan ay ang relasyon sa pagitan ng pag-init ng mundo sa mga bagyo. [19] [20] Apat na dokumento na nagsasangkot sa pagtindi ng bagyo sa pagbabago ng klima ang nagpapatunay na ang dalawa ay magkaakibat [21] [22]. Isang draft na ulat ng WMO ang tumutanggap sa magkakaibang opinyon rito [23].
Paksa ng mainit na kontrobersya ang lawak at katunayan na mga mangyayari. Ang listahan ng mga posibleng epekto at pag-unawa ay matatagpuan sa report ng IPCC Working Group II [24]. Ilang siyentipiko ang naniniwala na ang pag-init ng mundo ay magdudulot ng kamatayan at sakit sa mundo mula sa pagbaha, pagkasira ng paligid, lubhang init at iba pang matinding mga pagbabago sa panahon. (Reuters, February 9, 2006; archived)
[baguhin] Epekto sa Sistema ng Paligid
Ang sekundaryong ebidensya ng pag-init ng mundo tulad ng pag-unti ng niyebe (snow), pagtaas ng pantay laot, pagbabago ng panahon ay nagpapakita ng kahihinatnan na aapekto sa galaw ng tao gayundin sa sistama ng ating kapaligiran. Ang pag-init ng mundo ay nangangahulugan ng pagbabago sa ating paligid. May ilang halaman at hayop ang mapipilitang lumikas sa kanilang likas ng tahanan o kaya’y maglaho dahil sa pagbabagong nangyayari. Ang ibang may buhay naman ay maaring dumami.
[baguhin] Dulot sa mga bundok ng yelo (glaciers)
Global Glacial Mass-Balance nang huling 40 taon na iniulat sa WGMS at NSIDC. Tingnan ang negatibong pagtaas na direksyon sa simula ng dakong huli ng 1980 na nagpapabilis at nagpaparami sa pag-urong ng bundoking yelo (glaciers) (Dyurgerov)
Ang pag-init ng mundo ay nagbubunga ng negatibong balanse sa glacier mass (bulto ng bubunduking yelo) na nagdudulot sa pag-urong ng glacier sa buong mundo. Ipinakita ni Oerlemans (2005) na may netong bagbaba sa 142 na 144 bundok na may glacier na may rekord mula 1900 hanggang 1980. Mula noong 1980, tumindi ang pag-urong ng glacier sa mundo. Gayundin, ipinakita nina Dyurgerov and Meier (2005) sa pamamagitan ng glacier data sa malakihang rehiyon (e.g Europa) na may netong pagbaba mula 1960 hanggang 2002 kahit na ang ilang lokal sa rehiyon (e.g. Scandinavia) ay nagpakita ng pagtaas. Ang ilang glacier na nasa disekilibryo sa kasalukyang klima ay nawala na [25] at tinataya na ang patuloy na pagtaas sa temperatura ay magdudulot sa patuloy na pag-urong ng karamihan ng mga alpinong glacier sa buong mundo. Mahigit sa 90% ng mga glacier na inereport sa World Glacier Monitoring Service ay umurong na mula 1995 [26]. Ang isang kabaha-bahala ay ang potensyal na paghinto ng tunaw ng yelo (tubig daloy) ng Hindu Kush at Himalaya. Ang tunaw ng mga glacier nito ay nagdudulot ng malaki at maasahang mapagkukunan ng tubig para sa Tsina, India at halos buong Asya. Ito ang pangunahing mapagkukunan rin ng tubig sa panahon ng tag-araw. Ang pagbilis ng pagkatunaw nito ay magdudulot ng malakas ng pagdaloy ng tubig sa maraming dekada at pagkatapos nito “ang ilang lugar na may pinakamaraming tao sa mundo” ay tinatayang ‘mauubusan ng tubig’ " (T. P. Barnett, J. C. Adam and D. P. Lettenmaier 2005) [27]
[baguhin] Destabilisasyon ng pag-usad ng dagat
May ilang espikulasyon ng ang pag-init ng mundo, sa pamamagitan ng paghinto o pagbagal ng thermohaline circulation (sirkulasyong dulot ng init-alat ng dagat) ay magsisimula ng lokal na pag-lamig sa Hilagang Atlantiko na magdudulot sa paglamig o mahinang pag-init sa rehiyong ito. Lubhang maapektohan rito ang Scandinavia at Britanya ay iniinitan ng North Atlantic drift.
[baguhin] Mga Nagsilikas sa Pagbabago ng Kapaligiran
Kahit na ang maliit na pagtaas (pantay laot) ng dagat ay magdudulot ng pagkawala ng matitirhan sa mga pasigan na magdudulot ng problema sa mga lumikas. Kapag ang pantay laot ay tumaas ng mahigit na 4 metro, halos lahat ng pasigang lunsod sa mundo ay maapektuhan na may malaking epekto sa pandaigdigan kalakalan at ekonomya. Sa kasalukuyan, tinataya ng IPCC na ang dagat ay tataas ng mababa sa isang metro sa pagdating ng 2100. Kanila ring inabiso na ang pag-init ng mundo sa panahong iyon ay magdudulot rin ng hindi na mababaliktad na pagbabago sa sistemang glasyal ng mundo na sa kalaunan ay magtutunaw ng sapat na yelo na magpapataas sa dagat ng maraming metro pa sa loob ng susunod na milenya. Tinatayang halos 200 milyong tao ang maapektuhan sa pagtaas ng pantay laot lalo na Vietnam, Bangladesh, Tsina, India, Thailand, Pilipinas, Indonesya at Ehipto.
Ang isang halimbawa ng kalagayan ng mga lumikas dahil sa kapaligiran ay ang paglikas mula sa pulo ng Tuvalu na kung saan ang katihan ay may katamtamang taas ng halos isang metro lang sa pantay laot. Ang Tuvalu ay mayroong ng kasunduang ad hoc sa New Zealand na tumaggap ng mga lumikas [28] at marami ng residente nito ang umaalis sa pulo. Gayunman, hindi malinaw kung malaki ang epekto ng pag-init ng mundo sa pagtaas ng dagat. Tinataya na ang dagat (pantay laot) ay tumataas ng halos 1-2 mm/taon. Ang maikling panahong ito, may malaking epekto ito sa ENSO o pagkati/paglaki ng tubig. [29] [30] [31] [32]
[baguhin] Pagkalat ng Sakit
Maaring magpalaganap ang pag-init ng mundo sa mga hayop at kulisap ng nagdadala ng mga nakahahawang sakit tulad ng malarya, dilang asul na sakit mula ng mga kuto ng alagang daga na kamakailang ay kumalat sa rehiyon ng timog Mediterreno. Tumaas sa malawak na lugar sa Rusya ang impeksyon mula sa hantavirus, Crimean-Congo hemorrhagic fever, tularemia at rabies nitong 2004-2005. Maisisi ito sa mabilis ng pagdami ng mga daga at hayop na kumakain nito gayundin the pagbagsak o pagbaba sa program sa bakuna at pagkontrol sa mga daga [33] Kahit na nawala ang malarya sa mga templadong rehiyon sa mundo, ang mga lamok na nagkakalat nito ay hindi napuksa at nananatili sa ilang lugar. Kaya, kahit na mahalaga ang temperatura sa daynamiks ng pagkalat ng malarya, maraming bagay ang kasangkot sa pagkalat nito.
[baguhin] Epektong Pang-ekonomiko
Nagpalabas ang mga institusyong pinansyal kasama ang dalawang pinakamalaking kompanya ng seguro sa mundo, ang Munich Re at Swiss Re, sa isang pag-aaral noong 2004 (UNEP summary) na “ang madalas na pagdalas ng mga malubhang pangyayaring pangkalikasan kaakibat ang takbong panlipunan” ay gugugol ng halos 150 bilyong dolyar bawat taon sa susunod na dekada. Ang mga gugoling ito sa pamamagitan ng pagtaas ng halaga sa seguro at pagtulong sa mga disastre ay mapapabigat sa mga kliyente, mambubuwis at industriya.
Ayon sa Association of British Insurers, ang pag-iwas sa pagpapaimbulog ng karbon sa himpapawid ay makakaiiwas ng 80% ng tinatayang dagdag na gastosin mula sa mga bagyo hanggang mga taong 2080. Ayon kay Choi at Fisher (2003) ang bawat pagtaas ng 1% sa taunang ulan ay magpapalaki sa halaga ng katastrope ng halos 2.8%.
Ipinalabas kamakailan ng United Nations' Environmental Program na ang mga grabeng panahon sa mundo ay nag-ulat na ang 2005 ang pinakamagastos na taon sa kasaysayan [36] kahit na walang paraan upang patunayan na [ang isang bagyo] ay sanhi o di sanhi ng pag-init ng mundo [36]. Unang taya na ipinakita ng pundasyong Aleman sa segurong Munich Re ay nagpapakita na mahigit 200 bilyong dolyar na ang talo ng mga nakaseguro na halos 70 bilyong dolyar.
[baguhin] Produksyon ng biomass
Ang paglalang ng biomass ng halaman ay naiimpluwensyahan ng mapagkukunan ng tubig, pagkain at carbon dioxide. Ang bahagi ng biomass ay ginagamit (ng tuwiran o di tuwiran) bilang pagkukunan ng lakas ng halos lahat ng mgay buhay kasama rin ang pagkain sa mga inaalagaang hayop, at bungangkahoy at pagkaing butil ng tao. Kasama rin dito ang mga troso na kailangan sa konstruksyon.
Ang pagtaas sa papawirin ng carbon dioxide ay makapagpapataas din ng metabolismo ng mga halaman na malamang ay makapagpaparami ng kanilang ginagawang biomass. Ang pagtaas ng temperatura ay magpapahaba rin ng panahon ng pagtatanim sa mga malalamig na rehiyon. Minsang ipanikikita na ang mga epektong ito ay makagagawa ng isang mas berde at mayamang planeta dahil maraming biomass na mapagkukunan. Gayunpaman, maraming bagay ang nakapaloob rito. Hindi malinaw kung ang mga halaman ay magkakaroon talaga ng benepisyo sa pag-init ng mundo. Ang paglaki ng halaman ay apektado ng maraming bagay kasama ang taba ng lupa, tubig, temperatura at konsentrasyon ng carbon dioxide.
Hinuhuhulaan ng mga IPCC models na posible ang isang banayad na pagtaas sa ani ng halaman. Gayunman may mga negatibong dulot ang idudulot tulad ng pagbaba ng ani sa mga higit na optimong temperatura; ang pagtaas ng pagbabago-bago sa temperatura ay inaasahang magpapababa sa ani ng trigo; sa mga eksperimento, ang kalidad ng halamang butil at dahon ay bababa kapag ang CO2 at temperatura ay tumaas pa; at ang pagbaba ng hulas sa lupa sa tag-araw ay inaasahang may negatibong dulot sa ani. [37]
Ipinakikita ng mga datos mula sa satellite na ang produktibidad sa hilagang kalahati ng mundo ay tunay na tumaas mula 1982 hanggang 1991 [38]. Gayunman, ang mga pag-aaral kamakailan [39],[40] ay nakasumpong na mula 1991 hanggang 2002, ang malalawak na tagtuyot ay nagdulot sa pagbaba sa fotosintesis sa tag-araw sa gitna at mataas na latitud ng hilagang kalahati ng mundo.
Itinataya ng NOAA na sa mga taong 2050, may 54% ng dami ng yelong dagat kumpara sa mga taong 1950.
[baguhin] Pagbukas ng Northwest Passage (Daang Pahilagang-kanluran) kung tag-araw.
Sinasabing ang pagkatunaw ng Arktikong yelo ay magbubukas sa Northwest Passage sa tag-araw ng darating na sampung taon. Ito ay magpapaikli ng 5,000 nautikong milya ng ruta ng barko sa pagitan ng Europa at Asya. Lalong mahalaga ito sa mga supertankers na napakalaki upang dumaas sa Kanal ng Panama at kasalukuyang dumaraan sa dulo ng Timog Amerika. Ayong sa Canadian Ice Service, ang dami ng yelo sa kupuluang Artiko sa silangang Canada ay bumababa ng 15% sa pagitan ng 1969 at 2004 [41][[42].
Kasama sa negatibong dulot sa pagkatunaw ng yelo ay ang pagbilis ng pag-init ng mundo dahil mas makinang ang yelo sa araw kay sa tunaw na tubig na papalit rito. Mayroon ding epektong ekolohiko ang pagkatunaw ng polong yelo (polar ice): halimbawa ang mga polong oso na gumagamit ng lumulutang na yelong dagat upang maabot ang kanilang huhilihin at lumalangoy sa sa iba pang lutang ng yelo kapag naghiwalay ang yelo. Ngayon ang mga yelo ay malalayo na isa’t-isa at maraming patay na polong oso ang natatagpuan sa tubig na sinasabing nalunod. [43]
[baguhin] Mga Sagot
Ang ligalig na posibleng idudulot ng pag-init ng mundo ay ang pagtatangkang maibsan ang pag-init ng mundo na sumasaklaw sa mga aksyon upang pababain ang negatibong epekto o malamang na pangyayari ng pag-init ng mundo.
May apat na kategorya ng hakbangin upang maibsan ng pag-init ng mundo: 1. Pagbabawas sa paggamit ng enerhiya (konserbasyon)
2. Pag-iwas sa paggamit ng petrolyong parikit (fossil fuel) na base sa karbon at paggamit ng ibang mapagkukunan ng alternatibong enerhiya.
3. Pagsilo at pagtatago ng karbon.
4. Pagpapababa sa paggamit ng enerhiya (pagtitipid)
Ang sumusunod ang mga hakbangin upang maiwasan ang pag-init ng mundo: pag-unlad ng mga bagong teknolohiya, lakas ng hangin, lakas nukleyar, lakas ng araw, baguhing enerhiya, biyodiesel, sasakyang de koryente o hybrid, fuel cells, pagtitipid sa enerhiya, buwis sa karbon, pagpapabuti sa natural na pagtatago ng carbon dioxide, at ang paghuli at pagtatago ng carbon. Ilang grupong pangkapaligiran ang nagsusulong sa aksyong indibiduwal laban sa pag-init ng mundo na karaniwan ay nakatutok sa mga konsumedor. May ilan ding aksyong ng mga negosyante sa pagbabago ng klima.
Ang pangunahing pandaidigang pagsang-ayon upang maibsan ang pagbabago sa klima ay ang Kyoto Protocol. Ang Kyoto Protocol ay susog sa United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC). Ang mga bansang nagratipika ng protokol na ito ay nangangakong pababain ang kanilang emisyon ng carbon dioxide at lima pang greenhouse gases o makipagkakalakalan sa emisyon kung mapananatili nito o tataas ang kanilang emisyong ng mga gas na ito.
Kahit na sapat na ang magkasamang makaagham na konsensus at insentibong ekonomiko na mahimok ang gobyerno ng mahigit 150 bansa upang maratipika ang Kyoto Protocol (di kasama ang Estados Unidos at Australya), patuloy pa rin ang debate kung gaanong karaming emisyon ng greenhouse gas ang magpapainit sa planeta. Ilang politiko kasama ang pangulo ng Estados Unidos na si George W. Bush [44], Punong Ministro ng Australya na si John Howard [45] ay nagbabalala na ang halaga sa pagsugpo ng pag-init ng mundo ay lubhang napakalaki upang maging marapat ito. Gayunman, may ilang bahagi ng komunidad pangnegosyo ang tinanggap ang katunayan ng pag-init ng mundo na bunga ito ng tao na nangangailangan ng aksyon ng tao tulad ng kalakalan sa emisyon ng carbon at buwis sa carbon.
Ang pag-aakma sa pag-init ang isang paraan upang maibsan ang hindi kanais-nais na epekto nito. Halimbawa sa mga istrateheya ay ang depensa sa pagtaas ng pantay laot (sea level) o pananatili ng mapagkukunan ng pagkain.
[baguhin] Mga modelo sa klima
Pagtataya sa pag-init ng mundo mula sa iba’t-ibang modelong pangklima sa ilalim ng SRES A2 emissions scenario kung walang gagawing aksyon na pahupain ang emisyon.
Distribusyon ng pag-init (na may katamtaman ng 3.0 °C) sa siglo 21 na tinaya ng HadCM3 climate model na ipinalagay na walang pagbabago sa direksyon sa pag-unlad pang-ekonomiko at pagpapalabas ng greenhouse gases.
Pinagaralan ito ng mga siyentipiko sa pamamagitan ng mga modelo ng panahon na gumagamit ng kompyuter (tingnan ang ibaba). Tanggap ang mga modelong into ng komunidad ng siyentipiko bilang tama matapos maipakito nito na nagpapakita ito sa paggaya ng kilalang paiba-iba ng panahon tulad ng pagkakaiba ng tag-init at tag-lamig, ang osilasyon ng Hilagang Atlantiko o ng El Niño. Ang lahat ng modelong nakapasa sa pagsubok na ito ay humuhula sa netong epekto ng pagdaragdag ng greenhouse gases ay magpapainit sa panahon sa hinaharap. Iba-iba ang laki ang pag-init ng iba’t-ibang modelo. Ang isang pinakamahalagang walang katiyakan sa sensitibidad ng panahon ay kung paano isinasama ang ulap sa pagmomodelo.
Sabi ng ipinakikita sa itaas, ipinakikita ng mga modelong pangpanahon na ginamait ng IPCC ang pag-init mula 1.4 °C hanggang 5.8 °C sa pagitan ng 1990 at 2100 [48]. Ginamit din ito upang imbestigahan ang dahilan ng mga nakalipas na pagbabago ng panahon sa pamamagitan ng nakitang pagbabago sa mga hula ng mga model sa paggamit ng iba’t-ibang likas at mga pwersang kadahilananang gawa ng taong.
Ang mga modelo ng panahon kamakailan ay nagpakit ang magandang pagkakaugma sa obserbasyon ng pandaigdigang temperature sa loob ng nakaraan siglo. Hindi isinisisi ng mga modelong ito na ang pag-init na nangyari mula 1910 hanggang 1945 ay dulot ng bariyasyon ng kalikasan o ng tao. Alalaumbaga, ipinahihiwatig nila na ang pag-init mula 1975 ay dulot ng pag-buga ng greenhouse gas na gawa ng tao. Ang pagdaragdag ng gulong ng karbon sa pagmomodelo ay nagpapakita ng positibong sagot kahit na walang katiyakan ito (sa ilalim ng eskma ng A2 SRES, ang sagot ay iba-iba sa pagitan ng dagdag na 20 at 200 ppm na CO2). Ilang pag-aaral sa pagmamatyag nito ang nagpapakita ng positibong sagot [49].
Ang isa pang mungkahing mekanismo kung saan ang tumitinding painit na direksyon ay ang pagkatunaw ng tundra na sinasabing magpapalabas ng matapang at napakaraming greenhouse gas na methane na nakabilanggo sa permafrost at nakapaloob sa yelo bilang kumpuwesto [50]. Ang walang katiyakan sa pagpapakita ng ulang ang pangunahing mapagkukunan ng walang katiyakan sa kasalukuyang modelo kahit na may malinaw na pag-unlad na pagmomodelo ng ulap [51]. Mayroon ding diskusyong ngayon kung ang napapabayaan ng mga modelo sa panahon ang mahalagang di tuwirang sagot at sagot ng baryabilidad ng araw. Gayundin, ang lahat ng modelo ay kapus ng computational power, na kaya di nito tinitingnan ang pagbabago na kalakip ng maliliit na proseso at panahon (e.g. bagyo, hurakan). Gayunman, kahin na may kakapusan, tanggap ng IPCC na ang mga modelong ito na “naangkop na kasangkapan upang ipakita ang pagtataya sa kinabukan ng panahon " [52].
Noong Disyembre 2006, iminungkahi ni Bellouin et al sa Nature na ang reflectivity effect ng nakalutang na polutant sa himpapawid ay halos doble sa naunang estimasyon at kaya ang pag-init ng mundo ay natatakpan. Kung ito ay mapatutunayan na ibang pag-aaral, magpapakita na ang mga kasalukuyang modelo ay kapus sa paghula ng pandaigdigang pag-init [53]
[baguhin] Mga iba pang kalapit na isyu
[baguhin] Kaugnayan sa pag-unti ng ozone
Kahit na karaniwang idinadawit ng mass media na may koneksyon sa pagitan ang pag-init ng mundo at pag-unti ng ozone hindi ito matibay. May apat na lugar sa pagdadawit nito: • Sinasabing ang pangmundong pag-init mula sa pwersang radyatibo ng carbon dioxide ay tinatayang magpapalamig sa estratospero. Dahil dito, magdudulot ito ng relatibong pagbilis ng pagkawala ng ozone at pagdalas ng pagkakaroon ng ozone holes.
Radyatibong pagpwersa mula sa iba’t-ibang greenhouse gases at ibang pinagmumulan.
Gayunman, ang pagkawala ng ozone ay nagpapakita ng pwersang radyatibo ng sistema ng klima. Mayroong dalawang magkalabang epekto: ang pagbaba ng konsentrasyon ng ozone ay magpapasok ng mas maraming radyasyong solar na magpapainit ng tropospero. Ngunit ang isang malamig na estratospero ay nagpapalabas ng kaunting radyasyong may mahabang onda na kaya mapapalaming sa tropospero. Sa kabuuan nangingibabaw ang paglamig: pasiya ng IPCC na ang pagkawala ng ozone sa stratospero sa loob ng nakaraang dalawang dekada ay nagdulot ng negatibong pagpwersa sa sistema sa rabaw ng tropospero [54] ng halos −0.15 ± 0.10 W/m² [55]. • Ang isa sa pinakamalakas na hula sa hinua ng greenhouse effect ay ang paglamig ng stratospero. Kahit na ito ay nangyayari, mahirap ito gamitin bilang dulot nitong pagbabago sa klima dahil may paglamig ding sanhi ng pagkawala ng ozone.
• Ozone depleting chemicals are also greenhouse gases, representing 0.34 ±0.03 W/m², or about 14% of the total radiative forcing from well-mixed greenhouse gases [56].
[baguhin] Kaugnayan sa pagdilim ng mundo
Ilang siyentipiko ang nagdadawit na ang epekto ng pagdilim ng mundo (dulot sa pagbaba ng liwanag ng araw ng umaabot sa balat ng planeta na maaring dulong ng mga aerosol) ay maaring kumukubli sa ilang epekto ng pag-init ng mundo. Kung totoo ito, ang di-tuwirang epekto ng aerosol ay mas malakas kaysa unang paniwala na magpapakita na ang sensitibidad sa klima sa greenhouse gases ay mas malakas. Ang pagkabahala sa epekto ng aerosol sa pagbabago sa klimang pangmundo ay unang sinaliksik bilang pagkabahala sa pandaigdigang paglamig noong mga taong 1970.
[baguhin] Ang pag-init bago dumating ang tao
Sinasabi ng ilang heologo na nakaranas ng pandaigdigang pag-init ang mundo noong kaagahan ang panahong Jurassic na kung saan ang katamtamang temperatura ay tumaas ng 5 °C. Ang pananaliksik ng Open University na inilathala sa Geology (32: 157–160, 2004 [57]) ay nagpapakita na nagdulot ito ng matinding pagaagnas ng bato ng may mahigit 400%. Ang pagaagnas ng bato ay nagtatago ng carbon bilang calcite at dolomite na mga mineral ng iba’t-ibang antas ng oksido ng carbon. Ang bunga nito ay ang pagbaba ng nibel ng carbon dioxide sa normal sa halos sumunod na 150000 taon.
Ang biglaang pagpapalabas ng methane mula sa mga kompuwestong clatharate (sinanga) (the Clathrate Gun Hypothesis), ay isang huna bilang dahilan ng nakaraang pag-init ng mundo. Ang dalawang pangyayari na inililink dito ay ang Permian-Triassic extinction event at Paleocene-Eocene Thermal Maximum. Gayunman, ang pag-init nitong huling edad yelo ay sinasabing hindi dulot ng pagpapalabas ng methane [58].
Ang greenhouse effect ay binabanggit din upang ipaliwanag kung papaano nakalabas ang mundo sa panahong Snowball Earth. Noong panahong ito ang lahat ng batong silicate ay balot daw ng yelo na pumipigil rito na sumama sa carbon dioxide sa atmospero. Unti-unting tumaas ang carbon dioxide sa atmospero haggang 350 beses na mataas ito sa kasalukuyang nibel. Sa rurok na ito, tumaas ang katamtamang temperatura ng 50 °C na mainit upang matunaw ang yelo. Ang madalas na pag-ulan ay madaling nagpalis sa carbon dioxide sa atmospero. Ang makakapal na abiyotikong carbonatong latak ang matatagpuan sa mga yelong bato nang panahong ito ay pinaniniwalaang binuo sa mabilis na pagpalis ng carbon dioxide.
Sa paggamit ng datos ng paleoklima nang nakaraang 500 milyong taon (Veizer et al. 2000, Nature 408, pp. 698-701) ipinakikita na ang mahabang pagpapabago-bago sa temperatura ay mahinang maidaramay sa pagbabago sa carbon dioxide. Pinalawig ito nina Shaviv at Veizer (2003, [59]) na ang pinakamalaki at mahabang impluwensya sa temperatura ay ang kilos ng ating sistemang solar sa palibot ng galaxy. Pagkatapos, kanilang binanggit na sa loob ng pahanong heolohiko isang pagbabago sa konsentrasyon ng carbon dioxide ang nangyari katulad sa dalawang beses na pagtaas ng nibel nito bago ang panahong industriyal na nagdulot lamang ng 0.75 °C pag-init sa halip na 1.5-4.5 °C na ipinakikita ng mga modelo sa klima [60]. Ang trahaho ni Veizer ay binatikos ng RealClimate.org [61].
Itinugon ni William Ruddiman isang paleoklimatologo (e.g. Scientific American, March 2005) na ang impluwensya ng tao sa klima ng mundo ay nagsimula mga 8000 taon ang nakalilipas dahil sa pag-unlad ng sakahan. Pumigil ito sa pagbaba husto sa nibel ng carbon dioxide (at sa dakong huli ng methane) . Dagdag ni Ruddiman kung wala ang epektong ito, ang mundo ay papasok o pumasok na sa bagong edad ng yelo. Gayunman, ang ilang trabaho sa paksang ito (Nature 2004) ay sumasagot na ang kasalukuyang panahong interglasyal ay katulad sa interglasyal noong nakaraang 400,000 taong nakalipas na tumagal ng halos 28,000 taon na sa kasong ito hindi kailangan idawit ang pagkalat ng sakahan sa pagkahuli ng susunod na edad ng yelo.
[baguhin] Mga Batayan
- Bahagi ng nilalaman ng artikulong ito ay mula sa artikulong "Global warming" sa English Wikipedia (na-retrieve noong Hunyo 14, 2006).
• Association of British Insurers Financial Risks of Climate Change, June 2005, (PDF) Accessed Jan. 7, 2006 • Tim Hirsch. "Plants revealed as methane source", BBC, 11 January 2006. • Barnett, T. P., Adam, J. C., and Lettenmaier, D. P. (2005). "Potential impacts of a warming climate on water availability in snow-dominated regions". Nature 438: 303-309. • Choi, O. and A. Fisher (2003) "The Impacts of Socioeconomic Development and Climate Change on Severe Weather Catastrophe Losses: Mid-Atlantic Region (MAR) and the U.S." Climate Change, vol. 58 pp. 149 • Dyurgerov, Mark B; Mark F. Meier (2005). Glaciers and the Changing Earth System: a 2004 Snapshot. Institute of Arctic and Alpine Research, Occasional Paper #58. [62] • Emanuel, K.A. (2005) "Increasing destructiveness of tropical cyclones over the past 30 years." Nature 436, pp. 686-688. ftp://texmex.mit.edu/pub/emanuel/PAPERS/NATURE03906.pdf • Ealert Global warming - the blame is not with the plants • Hoyt, D.V., and K.H. Schatten (1993). "A discussion of plausible solar irradiance variations, 1700-1992". J. Geophys. Res. 98: 18895–18906. • Lean, J.L., Y.M. Wang, and N.R. Sheeley (2002). "The effect of increasing solar activity on the Sun's total and open magnetic flux during multiple cycles: Implications for solar forcing of climate". Geophys. Res. Lett. 29 (24): 2224. DOI:10.1029/2002GL015880.(online version requires registration) • Raimund Muscheler, Fortunat Joos, Simon A. Müller and Ian Snowball (2005). "Climate: How unusual is today's solar activity?". Nature 436: E3-E4. DOI:10.1038/nature04045. • Oerlemans, J (2005). "Extracting a Climate Signal from 169 Glacier Records". Science 308 (5722): 675 - 677. DOI:10.1126/science.1107046. • Naomi Oreskes, 2004 Beyond the Ivory Tower: The Scientific Consensus on Climate Change - The author discussed her survey of 928 peer-reviewed scientific abstracts on climate change. Retrieved December 8, 2004. Also available as a 1 page pdf file • Revkin, Andrew C (2005). "Rise in Gases Unmatched by a History in Ancient Ice". New York Times. "Shafts of ancient ice pulled from Antarctica's frozen depths show that for at least 650,000 years three important heat-trapping greenhouse gases never reached recent atmospheric levels caused by human activities, scientists are reporting today." (November 25, 2005) [63] • RealClimate Scientists Baffled • Ruddiman, William F. (2005). Plows, Plagues, and Petroleum: How Humans Took Control of Climate. New Jersey: Princeton University Press. ISBN 0691121648. • Smith, T.M. and R.W. Reynolds, 2005: A global merged land and sea surface temperature reconstruction based on historical observations (1880–1997). J. Climate, 18, 2021–2036. • UNEP summary (2002) Climate risk to global economy, Climate Change and the Financial Services Industry, United Nations Environment Programme Finance Initiatives Executive Briefing Paper (UNEP FI) (PDF) Accessed Jan. 7, 2006 • S.K. Solanki, I.G. Usoskin, B. Kromer, M. Schussler, J. Beer (2004). "Unusual activity of the Sun during recent decades compared to the previous 11,000 years.". Nature 431: 1084-1087. DOI:10.1038/nature02995. • S. K. Solanki, I. G. Usoskin, B. Kromer, M. Schüssler and J. Beer (2005). "Climate: How unusual is today's solar activity? (Reply)". Nature 436: E4-E5. DOI:10.1038/nature04046. • Wang, Y.M., J.L. Lean, and N.R. Sheeley (2005). "Modeling the sun's magnetic field and irradiance since 1713". Astrophysical Journal 625: 522–538. • Wired Careful Where You Put That Tree • Kennett J. P., Cannariato K. G., Hendy I. L. & Behl R. J.American Geophysical Union, Special Publication, Methane Hydrates in Quaternary Climate Change: The Clathrate Gun Hypothesis. 54, (2003). • Sowers T. (2006). "Late Quaternary Atmospheric CH4 Isotope Record Suggests Marine Clathrates Are Stable". Science 311 (5762): 838-840. DOI:10.1126/science.1121235. • Hinrichs K.U., Hmelo L. & Sylva S. (2003). "Molecular Fossil Record of Elevated Methane Levels in Late Pleistocene Coastal Waters". Science 299 (5610): 1214-1217. DOI:10.1126/science.1079601. • Questions about Clathrate Gun Hypothesis (source of information)