Extremadura
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Extremadura ay isang awtonomong pamayanan ng Espanya. Binubuo ito ng mga lalawigan ng Cáceres at Badajoz.
Ilan sa mga mahahalagang lungsod ang Cáceres, Badajoz, Plasencia, at Mérida.
Hinahanggan ang Extremadura ng Portugal sa kanluran. Ang lalawigan ay isang mahalagang area para sa mga hayop-gubat, partikular na sa pangunahing reserba sa Parque Natural de Monfragüe.
Ang Badajoz at Cáceres, respectively, ang pinakamalaki at pangalawang pinakamalaking lalawigan ng Espanya.
[baguhin] Ang Extremadura at eksplorasyon
Ang Extremadura, ang pinakanaghihirap na rehyon ng Espanya, ang pinagmulan ng mga pinakatanyang na kongkistador at settler sa Amerikas. Si Hernán Cortés, Francisco Pizarro, Pedro de Alvarado, Pedro de Valdivia, atbp., lahat ay pinanganak sa Extremadura habang maraming mga lungsod sa Amerikas ang nagtataglay ng pangalan mula sa kanilang tinubuang-lupa:
- ang Mérida, na punong lungsod ng Extremadura na isa ring mahalagang lungsod sa Mehiko at Beneswela;
- ang Medellín, na isang maliit na lungsod sa Extremadura na siya ring pangalawang pinakamalaking lungsod sa Kolombya;
- ang Albuquerque, na pinakamalaking lungsod sa Nuevo México, Estados Unidos at ang pangalan na siyang maling transkripsyon ng Alburquerque, isa ring lungsod sa Extremadura;
- at iba pa.
Bukod dito, ang mga tanging astronawtang Espanyol sa kasalukuyan, sina Miguel López-Alegría at Pedro Duque, ay may mga ugnayang pampamilya sa Extremadura.
Mga awtonomong pamayanan at lungsod ng Espanya | ||||||
|