Eva Vivar
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si Eva Vivar ay isang artistang Filipino na sumibol noong maagang bahagi ng dekada 1970 at kanyang naging palagiang kapareha ay si Danny Cruz kung saan sila ay nagduweto pa sa ilang awiting tulad ng "Yellow Bird", "Let Me Call You Sweetheart", "I Understand", "Let Me Be the One" at marami pang iba.
Siya ay nakapagsaplaka ng mahigit tatlong dosenang awitin kung saan siya ay nakakontrata sa Alpha Records.
Ang kanyang buhok ay mahabang at kulot na tulad ng isang rebulto dahil daw siya ay ipinaglihi kay Birheng Maria.