Estereokimika
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang estereokimika ay isang subdisiplina ng kimika na nag-aaral the ralatibong kaayusan ng mga atomo ng isang molekula sa espasyo o tatlong dimensyon.. Ang isang mahalagang sanga ng estereokimika ay ang pag-aaral ng mga molekulang kiral.
Ang estereokimika ay isang napakahalagang sanga ng kimika at lumalagom ito sa pag-aaral ng mga suliraning pang-estereokimika ayon sa mga sumusunod na paksa ng kimika: kimikang organika, kimikang inorganika, kimikang biyolohika, kimika pisikal at kimikang supramolekular.
Kasama sa esterokimika ang pamamaraan upang alamin at ipaliwananag ang kanilang mga relasyon sa isat-isa; ang epekto sa pisikal o biyolohikong katangian na ipinahihiwatig ng relasyong ito sa mga molekulang pinag-aaralan, at ang kung paano umiimpluwensya ang relasyong ito sa pagsasanib ng mga molekulang pinag-aaralan.
Sinasabing si Louis Pasteur ang unang estereokimiko na nakasumpong nito noong 1849 sa mga asin ng asido tartariko na mula sa bariles na imbakan ng alak na kung saan niya nakita na nakapagpapaikot ito ng polarisadong ilaw ngunit ang mga asin mula sa ibang mapagkukunan nito ay hindi. Ang katangiang ito na kaisa-isang kakaibang katangian ng dalawang uri ng asing tartrato dahil sa isomerismong optiko. Noong 1874, ipinaliwanag nina Jacobus Henricus van 't Hoff at Joseph Le Bel ang kilos optikal sa paggamit ng tetrehedrong kaayusan ng mga atomong na nakakawing sa carbono.
Ang isang pinakasikat na pagpapakita ng kahalagahan ng estereokimika ay ang sakunang dulot ng thalidomide. Ang thalidomide ay isang gamot na unang ginawa noong 1957 sa Alemanya na ibinibigay sa mga buntis upang makalunas sa pagduduwal at pagkahilo tuwing umaga. Nasumpungan na ang gamot na ito ay nakapagdudulot ng deporma sa mga sanggol. Natuklasan na ang isang isomerong optikal ng gamot na ito ay ligtas habang ang isa namang isomero nito ay teratoheniko (teratogenic) – yaon bang nagdudulot ng malubhang sirang henetiko sa bilig sa bungad na paglaki at progreso nito. Sa katawan ng tao, ang thalidomide ay sumasailalim sa rasemisasyon na kung saan kahit na isa lamang sa dalawang estereoisomero ang kinain nakagagawa ng katawan ng isomerong hindi kinain. Sa kasalukuyan, ginagamit ang thalidomide sa paggamot ng ketong. Ibinibigayt din iton ngayon sa mga babae ngunit sinasabayan ito ng contraceptives para hindi mabuntis. Ang disastreng ito ang nagbunsad ng mahigpit na pagte-testing ng mga gamot bago magamit ng publiko.
Cahn-Ingold-Prelog priority rules ay bahagi ng isang sistema upang ipaliwanag ang estereokimika ng isang molekula. Iniraranggo nito ang mga atomo sa paligid ng estereosentro ayon sa istandard na paraan upang maipakita at maipaliwanag ng malinaw ang relatibong posisyon ng mga atomong ito sa molekula.
Ang Fischer projection ay isang simpleng paraan upang ipakita ang estereokimika sa paligid ng isang estereosentro.
[baguhin] Talahulugan
Bilig - embryo
Henetiko - genetic
Isomeros – isomers
Ketong - leprosy
Kiral - chiral
Lumalagom – to encompass; to include
Molekula - molecule
Nagbunsad – led to
Pagsasanib – reaction
Rasemisasyon - racemization
Sakuna – accident; injury
Teratoheniko – teratogenic
[baguhin] Batayan
- Stereochemistry from the English-language Wikipedia. Retrieved October 16, 2006.