Elizabeth Cooper
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Siya ang kauna-unahang nakipaghalikan sa puting telon ng pinilakang tabing. Ginawa niya ang mga eksenang iyon sa pelikulang Silent Movie ang Ang Tatlong Hambog noong 1926.
Si Dimples lalong kilala sa pangalang Elizabeth Cooper ay isang Fil-Am. Isinilang siya noong 1910 at halos nauna ng kaunting taon mag-artista kumpara kay Mary Walter.
Una siyang lumabas sa pelikula ni Vicente Salumbides ang Miracles of Love at pati ang Fate or Consequence.
Nawala siya sa Showbiz subalit ng magbalik ay may talkies na. Binigyan siya ng mahalagang papel ng LVN Pictures ang Ikaw Pala at iyon na rin ang huling pelikulang kanyang nagawa bago siya sumakabilang-buhay.
[baguhin] Pelikula
- 1925 - Miracles of Love
- 1926 - Ang Tatlong Hambog
- 1927 - Fate or Consequence
- 1941 - Ikaw Pala
Trivia
- Kauna-unahang babaeng nakipaghalikan sa pelikula sa Ang Tatlong Hambog.