Editoryal
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Mahalaga ang editoryal sa alinmang pahayagan. Ito'y naglalaman ng isang masusing pagbibigay ng kuru-kuro o pala-palagay sa mahahalaga at napapanahong isyu. Naglalayon itong magpabatid, magbigay ng kahulugan, at makalibang. Ang sumulat ay nagbibigay ng kuru-kuro alinsunod sa patakarang pinaiiral ng patnugutan. Kailanman, ang editoryal ay hindi namumuna o nanunuligsa upang makasira kundi upang magkaroon ng pagabbago.
[baguhin] Mga Bahagi
Ang balangkas ng editoryal ay naglalaman ng tatlong bahagi:
a.) Panimula. Naglalaman ang panimula ng paksa o isyu, suliranin o kalagayan na tatalakayin. Karaniwang ito'y batay sa balita o isang pangyayari na kung tatawagin ay news peg.
b.) Katawan. Ang katawan ay sumusuri, nagpapaliwanag o naglalahad ng paksa o isyu sa malinaw at payak na paraan. Nagbibigay ito ng tala, pangyayari, o halimbawa ng tumutulong sa layunin ng editoryal.
c.) Pangwakas. Maaaring maglagom o magbigay-diin sa diwang tinatalakay sa editoryal.
[baguhin] Mga Uri
a.) Nagpapakahulugan. Ipinaliliwanag ang kahalagahan o kahulugan ng isang balita, kalagayan, o ideya.
b.) Nagpapabatid. Ipinaaalam ang isang pangyayari na binibigyang-diin o linaw ang kahalagahan o ilang kalituhang bunga ng pangyayari.
c.) Pumupuna at Nagmumungkahi ng Pagbabago. Nagbibigay ng puna sa isang kalagayan, sa isang tao, o sa isang paraan ng pag-iisip. Naglalayong makuha ang paniniwala ng iba at makapagbunsod ng pagbabago.
d.) Nagpaprangal at Nagbibigay-Puri. Binibigtang halaga ang isang taong may kahanga-hangang nagawa, katangi-tanging gawain, o nagpaparangal sa iasng taong namayapa na, na may nagawang pambihirang kabutihan.