Dekada '70
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang artikulong ito ay isa sa mga pahinang nangangailangan ng atensyon. Mangyaring ito ay ituwid sa paraang nararapat. |
“ PAMAGAT “
1. Ano ba ang adhikain ng pamagat sa mga mambabasa? -Ang layunin o adhikain ng pamagat na nais ipakita o ilarawan sa mga mambabasa ay upang ipakita ang realidad ng buhay bilang isang pamilya at bilang isang mamamayan ng isang bansa.Ipinapakita rin dito ang iba’t ibang mga pangyayaring naganap noong Dekada ’70, na nagyari sa realidad ng buhay, na maaaring maging inspirasyon at kapulutan ng aral at isagawa na sa realidad na nagdudulot ng pagbabago bilang isang mamamayan at bilang isang miyembro ng isang pamilya.
2. Ang maaaring pamagat na maimumungkahi ko sa kwentong ito ay “ Pagkakaisa “ Sapakat inilalarawan dito sa kwentong ito ang iba’t ibang pangyayari na nagaganap o naganap sa realidad.
“ TAGPUAN “
-Ang kwentong isunulat ni Lualhati Bautista ay naganap sa Pilipinas noong Dekada ’70, kung saan dito unang ipinatupad ang “ Martial Law “ sa ilalim ng panunungkulan ng Pangulong Ferdinand Marcos, sa kadahilanang maraming mamamayan ang lumalaban o umaaklas sa mga opisyal ng pamahalaan, kung kaya’t ipinatupad nila ito ng sa ganon ay makontrol nila at mapigilan ang mga pangyayaring ito. Napasailalim sa kahigpitan ang mga mamamayan, sa panahong ito. Dito ipinatupad ang mga “ curfews “ sa mga kabataan, na ipinagbabawal ang pag uwi sa mga bahay-bahay pagsapit ng alas diyes ng gabi dahil tiyak na huhuliin ang mga taong matagpuang gumagala, at mga pagbabawal sa mga mamamayan na lumaban o umaklas sa mga opisyal ng pamahalaan at ang pagbabawal na ilabas o ipahiwatig ang kanilang saloobin bilang mamamayan, kung kaya’t inilabas na lamang nila ang kanilang saloobin sa pamamagitan ng pagsusulat na ipinagbabawal rin. Sa panahong ito makikita ang iba’t ibang karahasan,ng kahigpitan,kahirapan ng ilang mamamayan sa kamay ng mga opisyal,at pag-aboso sa karapatang pantao na naging dahilan ng mga pag-aaklas at pagwewelga sa ilang opisyal na nagdulot ng malaking kaguluhan sa panahong ito, at dahil sa mga kaguluhang ito maraming mamamayan ang naghirap, nasugatan at namatayan dahil sa kagustuhan nilang makamit ang kanilang minimithi nilang karapatan bilang isang mamamayan ng bansa Pilipinas, na hindi nila nakamit sa panahong Dekado ’70, ito ay ilan lamang sa mga nangyari sa panahong ito.
“ KASUKDULAN “
Para sa aking sariling pananaw o saloobin ang bahagi ng kwento na nagbibigay ng pinakamasidhi o pinakamataas na kapanabikan ng kwento ay ang bahagi kung saan nagkaroon ng hinala o pagduda sa sarili si Amanda Bartolome na ang kanyang panganay na anak na si Jules o julian, ay maaaring pumanig sa ilang organisasyong may kaugnayan sa pagiging isang subersibo, na tumutuligsa sa pamahalaan, na siyang ikinatatakot niya, sapagkat bilang isang ina, ayaw nyang mapahamak ang kanyang anak, lalo na’yt pamahalaan ang kanilang tinutuligsa. Sa bahaging ito mayroong kapanapanabik ang maaaring mangyari, maaaring ano ang mangyayari kay Jules pagkatapos ng kanyang ginagawa? Kung ang lahat ng hinalang ito ay may katotohanan? Ito ay ilan sa mga tanong na maaaring magpatunay na ito ay kapanapanabik dahil nagkakaroon o nakalilikha tayo ng mga katanungan at pagtataka sa ating isipan.