Dalag
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang DALAG ( English-Mudfish or Snakehead ) ay isang uri ng isdang tabang na kinikilala dahil sa masarap na lasa ng laman nito na nahahawig sa laman ng Lau-Lapu at Dalagang Bukid, mapuputi ang laman nito. Ito ay itinuturing na isa sa pinakamahal at pinakamasarap na isdang tabang sa Pilipinas, bagama't may mga ibang rehiyon sa Pilipinas ( gaya ng Kabikulan at Bisayas )ang hindi kumakain nito dahil sa ulo na mukhang sawa ang hitsura.[sabi-sabi] Ang dalag ay isa ring popular na "game fish" sa ibang bansa dahil sa ito ay malalakas na isda.[sabi-sabi]
Mga nilalaman |
[baguhin] Basikong Katangian
Ang dalag ay isang isdang "carnivorous" o kumakain ng karne o laman ng kapwa isda at mga hipon, maging mga palaka, insekto, linta, bulate, pati daga ay kasama sa diyeta ng isang dalag. Ito ang dahilan kung bakit gustung gusto nila sa magugubat at mabababaw na parte ng tubig dahil dito sila nakakahanap ng kanilang pagkain. Ang dalag ay may kakayahang mag-hibernate o matulog sa putikan ng may bahagya lamang tubig. Kaya din nilang gumapang sa katihan at kayang mabuhay ng ilang araw kahit walang tubig sa lupa. Madalas ding mamahay ang mga dalag sa mga pilapil, kanal at estero. Ang dalag ay isdang kinakatakutan ng mga mangingisda kapag ito ay may inakay ( fingerlings )sapagkat ito ay nangangagat, mayroon silang napakatalas na mga ngipin na kayang sugatan ang mga hayop maging mga tao. Sa ngayon, sinasabing ang dalag ay kasama na sa "endangered species" ng mga isda sa Pilipinas dahil sa walang kontrol ng panghuhuli nito at dahil sa pangunguryente.[sabi-sabi] Ang iba naman ay kusang pinapatay ang dalag lalu na yung mga nahuhuli sa loob ng fishpond sapagkat itinuturing nila itong peste, sapagkat kinakain daw nito ang maliliit na itlog, semilya at inakay ng ibang isda.
[baguhin] Sukat at Uri
Sila ay lumalaki hangang tatlong kilo, bagamat may mga nagsasabi na may nahuhuling dalag na umaabot sa limang kilo. Ang tawag sa maliit na dalag ay "bakuli". Sa Lawa ng Laguna, may tatlong basikong uri ng dalag. Ang maitim na dalag, ang malakape, at ang albino ( mapuputing lahi ng dalag ).Magaganda ang kulay ng inakay ( fingerlings ) ng dalag dahil ang kulay nila ay pula o dalandan. Ang maiitim na dalag ang sinasabing mababagsik at ang mapuputing dalag o kulay kape ay sinasabing mahihinang uri nito. ( Ito ay walang sapat na batayan, pansin lamang ng mga magsasaka at mangingisda )
Ang "Itim na Dalag"-Higit na malalaki at mababagsik.
[baguhin] Paraan sa Paghuli
Madaling hulihin ang dalag. Sa pamamagitan ng bingwit, biwas, kitang o karyoka ( mga panghuling gumagamit ng kawil o sima )painan ng insekto, bulate o palaka, sasakmalin nila ito kaagad bagama't ang dalag kapag nakawala sa bitag, ito ay nadadala na at di na muli pahuhuli. Maaari din silang hulihin sa pamamagitan ng lambat o "pante" subalit madala nila itong malundagan dahil ang dalag ay isang matalinong isda. Ang iba naman ay gumagamit ng 12V na Baterya ng Kotse upang kuryentihin sila subalit ito ay ipinagbabawal ng batas sapagkat pati mga itlog at maliliit na dalag ay namamatay.
[baguhin] Recipe
Mga Luto na pwedeng gawin sa Dalag
- Sinalab o Inihaw na Dalag ( niluto sa uling na may kamatis at sibuyas sa tyan.)
- Apritadang Dalag - niluto ng may tomato sauce, patatas at siling pari ( big red pepper )
- Pritong Dalag na may sawsawang suka at bawang.
- Pesa o Nilaga - haluan ng repolyo, petsay at luya. Ginisang Miso ang sawsawan o Kalamansi at Patis
- Ginataang Dalag - pinakuluan sa gata ng niyog at suka at paminta.
- Adobong Dalag - ibinababad sa suka, toyo at paminta, saka ito patutuyuan sa mahinang apoy.
- Kaswelang Dalag - iginigisa at may halong kamyas ( kalamias ) at kasugba.
- Sinigang na Dalag sa Sampalok o Kalamansi.
- Sinampalukang Dalag - kapareho ng sinigang subalit bulaklak ng sampalok ang pang-asim.
- Relyenong Dalag - inihaw na dalag subalit may sari-saring gulay at minsan ay may karneng inihahalo sa loob ng tyan
- Sweet & Sour Dalag - Hinimay na laman ng dalag, binibiklog sa arina at itlog, saka piniprito, isinasawsaw sa chili sauce.
[baguhin] References
- "Neochanna". FishBase. Ed. Ranier Froese and Daniel Pauly. March 2006 version. N.p.: FishBase, 2006.
- Neochanna-Small Mudfish breed