Bukal
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Tubig na Sumusulpot sa mga siwang ng bato ay tinatawag na bukal. Kadalasan ang mga bukal ay natatagpuan sa dalisdis ng bundok o sa mga lugar na may bulkan. Malamig ang tubig ng mga bukal sa dalisdis ng bundok. Mainit naman ang tubig ng bukal na malapit sa bulkan. May mineral ang tubig dito kaya nakagagamot ng rayuma at mga sakit sa balat.