Bentot
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si Bentot ay isang komedyanteng artistang Filipino noong dekada 1950 hanggang dekada 1970. Isinilang siya noong 1928 at anak niya si Bentot Jr na isa ring dating batang aktor, Nagsimula siya noon sa pangalang Ben Cosca at di naglaon ay pinalitan ng Bentot dahil sa itsurang bata at isip bata sa kanyang mga pelikula.
Unang sumabak sa pelikulang Maria Kapra ni Angel Esmeralda at Batas ng Daigdig ni Linda Estrella na pawang gawa ng Sampaguita Pictures subalit di siya para sa naturang kompanya ang kanyang destinasyon ay LVN Pictures kung kaya't maraming pelikula nila ni Pugo na tumabo ng husto sa takilya na di naglaon ay naging TV Sitcom pa.
Ginawa niya ang unang pelikula sa LVN Pictures ang Phone Pal nina Manding Claro at Nenita Vidal. Sa Larangan ng pagsasaplaka sa kanyang edad nakuha pa niyang magsaplaka noong 1978 sa awiting Jeproks na nag-click sa mga tao.
[baguhin] Pelikula
- 1947 - Maria Kapra
- 1951 - Batas ng Daigdig
- 1957 - Phone Pal
- 1957 - Sebya, Mahal Kita
- 1958 - Alembong
- 1958 - Mr. Kuripot
- 1980 - Dash a Lotsa Nonsens
[baguhin] Diskograpiya
- 1978 - Burloloy
- 1978 - Jeproks
edbon3000@yahoo.com