Bayani Casimiro
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Siya ang tinaguriang Fred Astaire of the Philippines dahil sa galing niyang sumayaw ng Tap Dance.
Isinilang siya noong 1920, at unang gumanap sa Excelsior Pictures ang Bayan at Pag-ibig. Isa ang ginawa niya sa Del Monte Pictures ang Rosa Birhen at sa Majestic Pictures ang Santa.
Nakadalawang pelikula siya sa X'Otic Pictures ang komedyang Manilena at ang katatakutang Halimaw.
Sa ilalim ng Sampaguita Pictures magkakaibang taon siya doon kung lumabas, ginawa niya ang So Long, America noong 1946, Vod-A-Vil nina Kathy dela Cruz at Tita Duran noong 1953, at ang Tres Muskiteras nina Aruray at Sa Isang Halik mo Pancho na isang Musikal naman ng mag-asawang Tita Duran at Pancho Magalona na kapwa taong 1954.
Taong 1947 ng lumipat siya sa LVN Pictures para simulan ang pelikulang Maling Akala ni Mila del Sol.
Nagpatuloy siya sa pelikula hanggang dekada 80s at sumikat din ang kanyang anak na si Bayani Casimiro Jr sa isang TV Sitcom ng Okey Ka, Fairy Ko.
[baguhin] Pelikula
- 1938 - Bayan at Pag-ibig
- 1940 - Rosa Birhen
- 1940 - Santa
- 1941 - Manilena
- 1941 - Halimaw
- 1941 - Kung kita'y Kapiling
- 1942 - Caballero
- 1946 - So Long America
- 1947 - Maling Akala
- 1947 - Ikaw ay Akin
- 1947 - Oh, Salapi!
- 1948 - Malaya (Mutya sa Gubat)
- 1949 - Milyonarya
- 1949 - Maria Beles
- 1949 - Makabagong Pilipina
- 1949 - Hiyas ng Pamilihan
- 1949 - Kuba sa Quiapo
- 1949 - Lupang Pangako
- 1949 - Hen. Gregorio del Pilar
- 1950 - Sohrab at Rustum
- 1950 - Shalimar
- 1951 - Maria Bonita
- 1951 - Amor Mio
- 1953 - Vod-A-Vil
- 1954 - Tres Muskiteras
- 1954 - Sa Isang Halik mo Pancho
- 1955 - Dalagita't Binatilyo
- 1955 - Mariang Sinukuan
- 1955 - Banda Uno
- 1955 - Karnabal
- 1955 - Pilipino Kostum No Touch
- 1957 - Lelong Mong Panot
- 1957 - Turista
- 1957 - 10,000 Pag-ibig
- 1958 - Tuloy ang Ligaya