Bahay Kubo
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
- Tungkol ang artikulong ito sa tradisyunal na awitin na Bahay Kubo. Para sa tinitirhan na kubo, tingnan kubo.
Ang "Bahay Kubo" ay isang awitin na tradisyunal sa Pilipinas. Sumikat pa ito bago magkagiyera.
Inawit ng napakaraming mang-aawit at isa sa mga umawit nito ay si Sylvia La Torre noong 1966.
Tinugtog din ni Nitoy Gonzales at ng kanyang Rondalya noong dekada 60s sa ilalim ng D Concorde Records
[baguhin] Liriko
- Bahay kubo, kahit munti
- ang halaman doon ay sari-sari
- Singkamas at talong
- Sigarilyas at mani
- Sitaw, bataw, patani
- Kundol, patola, upo't kalabasa
- At saka meron pang
- Labanos, mustasa
- Sibuyas, kamatis
- Bawang at luya
- Sa paligid nito puno ng linga.
[baguhin] Ang Bahay Kubo sa popular na kultura
Sa programang pantelebisyon ng GMA na Bubble Gang, pabirong sinabi ng karakter na si Brod Pete (Isko Salvador) na hindi daw dapat "Bahay-Kubo" ang pamagat ng awitin na ito sa halip dapat daw "Pinakbet" o kaya'y "Ang Ulam kong Bulalang" dahil puro gulay lamang ang binabanggit at hindi tungkol sa isang laman ng isang bahay na kubo. Nailagay ang komentaryong ito ng Bubble Gang sa isang album - Ang Dating Doon.