Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Isang edisyong Tagalog ng 27 na aklat ng Kristiyanong Griegong Kasulatan na inilimbag ng Saksi ni Jehova, Mga noong taong 2000. Ang bagong edisyong Tagalog na ito ay nagtataglay ng salin ng Kasulatang Hebreo-Aramaiko at isang rebisyon ng edisyong Tagalog ng Kristiyanong Griegong Kasulatan ng 1993, at salig ito sa nirebisang edisyong Ingles ng 1984 ang New World Translation of the Holy Scriptures. Mahigit sa 125,000 mga kaugnay na reperensiya ang inilakip sa saling ito.
Taglay ang taimtim na pananagutan kung kaya sa loob ng maraming taon ay inilathala ng New World Bible Translation Committee ng Mga Saksi Jehova na binubuo ng mga nakatalagang lalaki ang New World Translation of the Holy Scriptures. Ang buong salin ay unang inilabas sa anim na tomo, mula 1950 hanggang 1960. Sa pasimula pa lamang ay hangad na ng mga tagapagsalin na pagsamahin sa iisang aklat ang lahat ng mga tomong ito, yamang ang Banal na Kasulatan sa katunayan ay iisang aklat ng Iisang May-akda. Bagaman ang naunang tomo ay may mga panggilid na reperensiya at mga talababa, ang nirebisang edisyon na iisang tomo, na inilabas noong 1970 at ang ikatlong rebisyon na may mga talababa ay sumunod noong 1971. Noong 1969 ay inilabas ng komite ang The Kingdom Interlinear Translation of the Greek Scriptures, kung saan sa ilalim ng tekstong Griego na inilathala noong 1881 nina Westcott at Hort ay iniharap ang salita-por-salitang salin sa Ingles.
Noong 2000 inilabas ng Mga Saksi ni Jehova ang salin ng Bibliya dito sa Pilipinas sa tatlong pangunahing wika: Tagalog, Cebuano at Iloko. Kilala sa buong mundo bilang masisigasig na mga mangangaral, ang Mga Saksi ay gumagamit na ngayon ng 264 na mga wika (mayroon ding Braille at Sign Language) sa buong daigdig kasama na ang Pilipinas sa pitong pangunahing wika: Bikol, Cebuano, Hiligaynon (o "longgo,") Iloko, Pangasinan, Samar-Leyte (o "Waray") at Tagalog.
Kapansin-pansin pinanatili ng saling ito ang paggamit sa banal na pangalan ng Diyos ayon sa paglitaw nito sa orihinal na mga manuskritong Hebreo, ang Tetragrammaton.
[baguhin] MGA AKLAT NG HEBREO-ARAMAIKONG KASULATAN BAGO ANG KARANIWANG (KRISTIYANONG) PANAHON
Pangalan ng Aklat, Manunulat, Saan Isinulat, Natapos Isulat (B.C.E.), Panahong Saklaw (B.C.E.)
Genesis, Moises, Sa Ilang, 1513, "Nang pasimula hanggang 1657 Exodo, Moises, Sa Ilang, 1512, 1657-1512 Levitico, Moises, Sa Ilang, 1512, 1 buwan (1512) Bilang, Moises, Sa Ilang at Kapatagan ng Moab, 1473, 1512-1473 Deuteronomio, Moises, Kapatagan ng Moab, 1473, 2 buwan (1473) Josue, Josue, Sa Canaan, c.1450, 1473-c.1450 Hukom, Samuel, Sa Israel, c.1100, c.1450-c.1120 Ruth, Samuel, Sa Israel, c.1090, 11 taong pamamahala ng mga Hukom 1 Samuel, Samuel, Gad at Natan, Sa Israel, c.1078, c.1180-1078 2 Samuel, Gad at Natan, Sa Israel, c.1040, 1077-c.1040 1 at 2 Hari, Jeremias, Sa Juda at Ehipto, 1 balumbon (580), c.1040-580 1 at 2 Cronica, Ezra, Sa Jerusalem (?), 1 balumbon (c.460), Pagkatapos ng 1 Cronica 9:44:1077-537 Ezra, Ezra, Sa Jerusalem, c. 460, 537-c.467 Nehemias, Nehemias, Sa Jerusalem, a.443, 456-a.443 Ester, Mardokeo, Sa Susan at Elam, c.475, 493-c.475 Job, Moises, Sa Ilang, c.1473, Mahigit 140 taon sa pagitan ng 1657 at 1473 Awit, David at iba pa, -----, c.460, ----- Kawikaan, Solomon, Agur at Lemuel, Sa Jerusalem, c.717 Eclesiastes, Solomon, Sa Jerusalem, b. 1000, ----- Awit ni Solomon, Solomon, Sa Jerusalem, c.1020, ----- Isaias, Isaias, Sa Jerusalem, a.732, c.778-a.732 Jeremias, Jeremias, Sa Juda at Ehipto, 580, 647-580 Panaghoy, Jeremias, Malapit sa Jerusalem, 607, ----- Ezekiel, Ezekiel, Sa Babilonya, c.591, 613-c.591 Daniel, Daniel, Sa Babilonya, c.536, 618-c.536 Oseas, Oseas, Sa (Distrito ng) Samaria, a.745, b.804-a.745 Joel, Joel, Sa Juda, c.820(?), ----- Amos, Amos, Sa Juda, c.804, ----- Obadias, Obadias, -----, c.607, ----- Jonas, Jonas, -----, c.844, ----- Mikas, Mikas, Sa Juda, b.717, c. 777-717 Nahum, Nahum, Sa Juda, b.632, ----- Habakuk, Habakuk, Sa Juda, c.628(?), ----- Zefanias, Zefanias, Sa Juda, b.648, ----- Hagai, Hagai, Sa Muling itinayong Jerusalem, 520, 112 araw (520) Zacarias, Zacarias, Sa Muling itinayong Jerusalem, 518, 520-518 Malakias, Malakias, Sa Muling itinayong Jerusalem, a.443, -----
[baguhin] MGA AKLAT NG GRIEGONG KASULATAN NA ISINULAT NITONG KARANIWANG (KRISTIYANONG) PANAHON
Pangalan ng Aklat, Manunulat, Saan Isinulat, Natapos Isulat (C.E.), Panahong Saklaw
Mateo, Mateo, Sa Palestina, c.41, 2 B.C.E.-33 C.E. Marcos, Marcos, Sa Roma, c.60-65, 29-33 C.E. Lucas, Lucas, Sa Cesarea, c.56-58, 3 B.C.E.-33 C.E. Juan, Apostol Juan, Sa Efeso o malapit dito, c.98, Pagkatapos ng paunang salita, 29-33 C.E. Gawa, Lucas, Sa Roma, c.61, 33-c.61 C.E. Roma, Pablo, Sa Corinto, c.56, ----- 1 Corinto, Pablo, Sa Efeso, c.55, ----- 2 Corinto, Pablo, Sa Macedonia, c.55, ----- Galacia, Pablo, Sa Corinto o Antioquia ng Sirya, c.50-52, ----- Efeso, Pablo, Sa Roma, c.60-61, ----- Filipos, Pablo, Sa Roma, c.60-61, ----- Colosas, Pablo, Sa Roma, c.60-61, ----- 1 Tesalonica, Pablo, Sa Corinto, c.50, ----- 2 Tesalonica, Pablo, Sa Corinto, c.51, ----- 1 Timoteo, Pablo, Sa Macedonia, c.61-64, ----- 2 Timoteo, Pablo, Sa Roma, c.65, ----- Tito, Pablo, Sa Macedonia(?), c.61-64, ----- Filemon, Pablo, Sa Roma, c.60-61, ----- Hebreo, Pablo, Sa Roma, c.61, ----- Santiago, Santiago (Kapatid ni Jesus), Sa Jerusalem, b.62, ----- 1 Pedro, Pedro, Sa Babilonya, c.62-64, ----- 2 Pedro, Pedro, Sa Babilonya(?), c.64, ----- 1, 2 at 3 Juan, Apostol Juan, Sa Efeso o malapit dito, c.98, ----- Judas, Judas (kapatid ni Jesus), Sa Palestina(?), c.65, ----- Apocalipsis, Apostol Juan, Sa Isla ng Patmos, c.98, -----
* Ang mga pangalan ng mga manunulat ng ilang aklat at mga dako kung saan isinulat ay hindi tiyak. Maraming petsa ang tinantiya laman, ang simbolong a. ay nangangahulugang "after" (pagkatapos), ang b. ay nangangahulugang "before" (bago), ang c. ay nangangahulugang "circa," o "humigit-kumulang" at ang ----- ay blangko (blank).